in

Higit sa 12% ng GDP ay mula sa mga dayuhan

Ang tema ng migrasyon sa Italya at ang epekto sa ekonomiya ng bansa na sinuri ng Leone Moressa Foundation ay nagbigay ng mga pinakabagong datas.

Venice, Marso 5, 2012 – Sa Italya ay may higit sa 2.2 milyong mga banyagang manggagawa, kung saan ang 402,000 ay mga negosyante, at ang kanilang trabaho ay katumbas ng 12.1% ng domestic added value, samantala sa deklarasyon ng mga kinita ay umaabot ng 40 billion euros (12.507 bawat isa) at nagbabayad ng Irpef ng halos 6 billion euros (2.810 euro bawat isa).

Ang mga impormasyong ito na mahalaga sa tema ng migrasyon sa Italya at sa mga epekto nito sa ekonomiya ng bansa na ginawa ng Foundation Leone Moressa na nagsuri ng mga pinakabagong makabuluhang mga datas.

alt”Sila ang nagpapatuloy ng mga trabahong karamihan ay tinanggihan na ng mga Italians, tulad ng waiters, bartenders, painters, plasterers, warehousemen, masons, carpenters, tradesmen … Subalit ito ang bahagi ng populasyon na higit na nakaramdam ng negatibong epekto ng krisis dahil ang 40 % ng mga naunang nawalan ng trabaho mula 2008 hanggang 2011 ay pawang mga dayuhan. Ngunit ang mga imigrante ay ang mga ‘nagpapabata’ sa populasyon ng Italya: ang 13.9% ng lahat ng mga ipinanganak noong  nakaraang taon ay mga dayuhan. Bukod pa rito, sa halos higit na 4.5 milyong residente (ang 7.5% ng kabuuang populasyon), 650,000 ay ang mga kabataan ng ikalawang henerasyon, samakatwid ay mga menor de edad na ipinanganak sa Italya ngunit itinuturing na mga banyagang mamamayan para sa gobyerno ng Italya..

Ang mga dayuhan sa merkado ng trabaho

Sa Italya ay may higit sa 2.2 milyong mga banyagang manggagawa, karamihan ng mga manggagawa ay nasa hilaga: higit sa kalahating milyon ay sa Lombardy Region lamang, higit sa 200,000 sa Emilia Romagna, Piedmont, Lazio at Veneto. Ngunit mula sa taong 2008 hanggang 2011 sa Italya ay nakaramdam ng pagtaas ng 3,4% ng mga nawalan ng trabaho, mula sa 8,1 % sa 11,5% at umaabot sa 291,000 ang mga dayuhang na walang trabaho. Ito ay nangangahulugan na sa tatlong-taon, isa sa bawat apat na walang hanapbuhay ay isang dayuhan. Ang krisis, gayunpaman, ay tila hindi nakapigil sa mga ito sa pagbubukas ng negosyo: ang kasalukuyang 402,000 ng mga negosyanteng dayuhan  (na kumakatawan sa 9% ng lahat ng mga negosyante sa Italya) ay nadagdagan ng 3% noong  2010. Sa pagitan ng mga empleyado at mga self-employed, ayon sa mga estima, ang mga dayuhan ay bahagi, ng 12.1% ng GDP, kung saan ang 15% ay mula sa Umbria at higit sa 14% mula sa Veneto, Piedmont, Lombardy, Lazio at Emilia Romagna.

Ang epekto ng sostitusyon o pagpalit ng mga dayuhan sa mga Italians sa ilang propesyon

altAng mga dayuhan ay ang pangunahing nagtatrabaho mula sa average at mababang kwalipikasyon ng trabaho. Halos one third ay nagtatrabaho sa di-kwalipikadong hanapbuhay at ang bilang ay patuloy na tumataas, isang bagay na di nagaganap sa ibang propesyon. Ang mga karaniwang propeson ng mga dayuhan ay ang ‘manual’ na tinanggihan na at ganap na iniwan ng mga Italians, at pinalitan na ng mga dayuhan. Sa kaso ng kategoriya tulad ng catering (cooks, waiters, bartenders), ang mga manggagawang di-kwalipikado sa industriya at ang mga welders, fitters at tinsmiths na bagong dating  na mga dayuhan na malaga ng iniwan ng mga Italians (oversostituzione). Kapansin-pansin rin ang isang perpektong pagpalit ng mga dayuhan (ang pagdagsa ng mga dayuhan at katulad ng naging paglabas na mga Italyano sa bansa) bilang mga stallholder at mga trabaho ng mga lacquerers, boxholders at painters. Isang bahagyang pagpalit naman bilang mga warehousemen, mga manggagawa sa konstruksiyon, masons, carpenters, scaffolders, mga patong ng sahig, plumbers, …

Ang paghahayag ng mga kinita at pagbabayad ng Irpef

Sa Italya ay mayroong 3.2 milyong mga banyagang taxpayers at nagdeklara ng higit sa 40 million euros: sa medaling salita ay katumbas ng 7.9% ng lahat ng mga taxpayers at 5.1% ng kabuuang kita na idineklara sa Italya . Ang mga dayuhan ay karaniwang naghahayag ng 12,507 € at halos kompensasyon ng mga empleyado. Ang mga banyaga noong 2009 ay nagbayad ng halos 6 billion euros ng Irpef, na katumbas ng 2810 € bawat isa. Ang mga dayuhan ang nagpapabata sa bansang Italya. Bukod sa pagiging bahagi sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa, ang mga dayuhan ay bahagi rin sa pagpapababa sa edad ng populasyon. Hindi lamang dahil sa 4.5 milyong mga dayuhan ay mas bata, ngunit pati na rin sa kabuuang bilang ng mga ipinanganak ay halos 14% ang ga ipinanganak na mayroong dayuhang magulang. Tinatantya na sa Italya ay mayroong higit sa 650,000 mga kabataan ng ikalawang henerasyon, o ibig sabihin ay mga menor de edad na itinuturing na mga dayuhan sa kabila ng mga ipinanganak sa teritoryo ng Italya.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Alegasyon laban sa Azkal

Lega Nord: Tatlong buwan lamang para sa mga dayuhang nawalan ng trabaho