in

Higit sa 20,000 katao, naitalang nag-positibo sa Covid19

Higit sa 20,000 katao ang naitalang nag-positibo sa Covid19 sa Italya kahapon, December 10, 2021. Ito ang pinakamataas na naitala mula noong nakaraang April 3, 2021. Sa katunayan, ayon sa Ministry of Health, nagtala ng 20,497 kumpara sa 21,261 noong nakaraang Abril. Ang bilang ng mga active Covid cases sa bansa ay 263,148 (mas mataas ng 8,595 kumpara noong December 9).

Ang naitalang  bilang ng mga biktima ng Covid19 kahapon ay 118.

Samantala, bahagyang bumaba ang Rt index sa bansa, mula 1,20 sa 1.18. Sa kabilang banda, naitala naman bahagyang pagdami ng mga positibo sa bawat 100,000 residente sa 176 cases mula sa 155 cases. Sa katunayan, nararamdaman din ang pagtaas sa bilang ng hospitalization at ICU patients.

Naitala naman ang 26 na kaso ng Omicron variant sa bansa.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng Covid19. Bagkus ay ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa public health standards: ang pagsusuot palagi ng mask, pagsunod sa physical distancing at pag-iwas sa ‘assembramento’ at madalas na paghuhugas ng mga kamay o ang madalas na paggamit ng hand sanitizers. Siguraduhin din ang magpa-schedule ng inyong booster dose ng bakuna kontra Covid19.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Green pass, pawawalang-bisa sa mga magpo-positibo sa Covid19

Rimborso 730 senza sostituto, kailan matatanggap?