in

Higit sa 5 milyon ang mga dayuhang residente at 130,000 naman ang mga New Italians sa 1 taon

Lumiliit ang populasyon ng Italya. Bumabagal ang imigrasyon, dumadami ang nagiging italian citizen. Narito ang mga demographic indicators mula sa Istat.

 

Roma, Pebrero 22, 2016 – Ang isang bansang lumiliit ang populasyon, ay nangangahulugang higit ang namamatay kaysa sa ipinapanganak, at hindi gasinong nakakahikayat (o pinahihintulutan ang pagpasok) ng mga imigrante. Ito ang larawan ng bansang Italya buhat sa ISTAT.

Hanggang Enero 1, 2016, ang kabuuang populasyon ng mga residente ay 60,656,000, mas mababa ng 139,000 kumpara noong nakaraang taon. Sa taong 2015, ay naitala ang mga namatay na 653,000 (mas mataas ng 54,000 kumpara noong 2014), katumbas ang 10,7/1000 ng mortality rate, na maituturing na pinakamataas matapos ang Second World War. Naitala naman ang 488,000 mga ipinanganak (mas mababa n 15,000) bagong historical record mula sa Italy Unification.

Ang mga dayuhang residente sa Italya hanggang Enero 1, 2016, ayon sa ISTAT, ay 5 million at 54 thousand at ito ay kumakatawan sa 8,3% ng kabuuang popolasyon. Kumpara noong 2015, ay naitala ang pagtaas ng halos 39,000 kabilang ang karagdagang 20,000 dahil sa migrasyon mula sa ibang bansa at karagdagang 56,000 dahil sa natural na epekto nito (63,000 ipinanganak na mga dayuhan at 6,000 naman ang mga namatay), mas mababa ng 81,000 sa epekto ng internal post migration at iba pang dahilan.

Kailangan din bigyang konsiderasyon ang pagkawala ng 136,000 dayuhan, dahil naging mga Italian citizen. Ang bilang ay tumataas taun-taon: ang nagkaroon ng Italian citizen ay 29,000 noong 2005; 66,000 naman noong 2010. Kailangan ring isaalang-alang ang pagkawala ng halos 139,000 mga dayuhan dahil sa ‘irreperibilità.

Noong 2015 ang net migration rate ng Italya sa ibang bansa ay 128,000 katumbas ng 2,1/1000 ng population rate. Ang resultang ito, halos ika-apat na bahagi ng naitala noong 2007, ay resulta ng 273,000 na bagong tala o rehistrado at 145,000 na kanselasyon sa registry office o anagrafe. Ayon sa mga researchers ito ay pansamantalang “pagkawala ng atraksyon ng bansa sa mga international migrants”. Kumpara noong 2007, ang imigrasyon ay 527,000 na halos nangalahati, habang ang emigrasyon naman (51,000 noon) ay halos tatlong beses na tumaas.

Ang karamihan ng mga pumapasok sa bansa (90%) ay kumakatawan sa mga dayuhan. Ang pagpapatala ng mga dayuhan buhat sa labas ng bansa ay 245,000 (mas mababa ng 1.3% noong 2014) habanga ang mga bumabalik sa bansang mga Italyano ay 28,000 (mas mababa ng 5.6%). Para naman sa kanselasyon ay tinatayang 45,000 ang mga kanseladong dayuhan (mas mababa ng 4.8% noong 2014) kumpara sa 100,000 namang kanselasyon ng Italian citizenship (mas mataas ng 12.4%).

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagdinig sa mga eksperto at asosasyon ukol sa reporma sa citizenship, nakatakda sa Marso

Ate Liwanag