Bistado ng Guardia di Finanza sa Terni ang tax evasion ng mga colf, babysitters at caregivers sa ilalim ng kasalukuyang operasyon “Badanti fantasma”.
Ayon sa mga report, tinatayang aabot sa 1 million euros ang kabuuang sahod ng 20 colf na hindi ginawan ng tax declaration o dichiarazione dei redditi.
Ang operasyon ay sinimulan sa taong 2013 hanggang 2017 kung saan nadiskubre ang malawakang tax evasion sa domestic job ng maraming mga colf, caregvers at babysitters mula sa lahat ng nasyunalidad.
Bukod sa mga colf na tila nakalimot na gawin ang tax return, ang ilan naman, sa kabila ng pagkakaroon ng regular na kontrata ay nagdeklara ng walang sapat na sahod at tumanggap ng mga benepisyong hinid laan sa kanila.
Basahin rin:
Obligado ba ang dichiarazione dei redditi sa domestic job?