in

Human trafficking, sampu ang inaresto sa buong Italya

Sindikato ng human trafficking sa Asya ay iligal na nagpapapasok sa Italya ng mga migrante at pagkatapos ay ang paglilipat sa mga ito sa ibang bansa. Mula 5 hanggang 15,000 ang katumbas.

altRome – Masigasig ang Anti-Mafia ng Italya, ang Justice Authority ng Bologna at Lecce, ang mga imbestigador ng Central Police station at Mobile police ng Lecce, Bologna at Ravenna at patuloy na tinututukan ang mga pag-aaral kaugnay ang pagsisiyasat na sinimulan noong  Mayo 2010, pagkatapos ng makabuluhang pagdami ng pagdating ng mga irregular migration sa Italya.

Ang operasyon, na nagaganap sa Lombardy, Emilia Romagna, Puglia, Abruzzo, Lazio at Calabria, ay pinatutupad laban sa sindaikato ng human trafficking na nagmumula ng Afghanistan, Pakistani at Indian na sinasabing ang sindikato ay ang responsable sa krimen na nagpapalubha sa iligal na imigrasyon.

Ang mga suspects ay kinasuhan din ng  paglalantad diumano sa panganib ng buhay ng mga migrante upang magampanan ang kanilang misyon. Ang pagsisiyasat ay upang kilalanin, sa Rome, Milan, Cremona, Bologna, Bergamo, Brescia, Teramo, Ascoli Piceno at Bari ang aktibidad ng mas malawak na krimen ng operating chain ng sindikato sa Greece at Turkey, na kasangkot sa pagpupuslit ng mga tao sa Europa.  Ang pagdating ng mga migrante ay nagaganap sa pamamagitan ng maliliit na vessels sa timog baybayin ng bansa at sa pamamagitan ng mga barko na may destinasyon patungong  daungan ng bansa.

Ang karamihan ng mga migrante (Pakistanis, Iraqis at Afghans), matapos dumating sa bansa ay inililipat diumano sa parteng hilaga ng Europa tulad ng Alemanya, Switzerland, Denmark, Austria, France at Belgium sa pamamagitan ng mga kasabwat ng sindikato . Angoperasyon, ay pinatutupad sa pakikipagtulungan ng mga awtoridad ng hukuman para sa isang mas stratehikong aksyon upang suriin at kilalain ang importanteng mga personalidad sa likod ng pagpupuslit ng mga migrante sa bansa.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PHL migrant worker deployment slows down in 2010

Porsche ng Pangulo, ibinenta na!