in

“Huwag kalimutan ang migrante na nahihirapan sa buhay” – Papa

altAng Papa sa komunidad ngCasal Boccone: “Nakita nyo ang pagdagsa ng napakaraming tao na nahihirapan sa buhay, kailangan nila kayo”.

Roma – “Ang isa pang punto na aking pilit na ipinauunawa, ang pagiging mapag-bigay at matulungin, na syang nararapat na pondasyon ng inyong komunidad. Nakita nyo ang mabilis na pagdami at pagdagsa ng mga taong nahihirapan sa kanilang buhay at sila ay nangangailangan ng inyong tulong, ng inyong materyal na tulong, lalong higit ng inyong pananampalataya at ng inyong mga patotoo bilang mananampalataya.”

Ito ang sermon ng Papa sa parokya ng Santa Maria delle Grazie sa Casal Boccone noong nakaraang Linggo na tumutukoy sa mga migrante.

“Gawin – dagdag pa ng Pope – na ang mukha ng iyong komunidad ay laging naghahayag ng pagmamahal sa Diyos na puno ng kahabagan at mga paanyaya na puno ng pagtitiwala sa Kanya.”

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bottom Line with Boy Abunda, Best Talk Show sa ATVA 2011

VIVA – VIGAN ASSOCIATION ROMA CAPITALE, itinatag