Alerta ang sitwasyon sa mga ICU sa Italya, partikular sa apat na rehiyon. Ayon sa Agenzia per i Servizi Sanitari (Agenas), apat (4) ang mga rehiyon at provincie autonome na lumampas sa warning level na 30% na bed occupancy rate ng mga covid19 patients. Ang pamantayan ay itinalaga ng Ministry of Health.
Ang rehiyon na higit na nakakabahala ay ang Umbria na may 60% covid19 patients bed occupancy.
Sinundan ng PA di Bolzano na may 40% covid19 bed occupancy rate, Friuli Venezia Giuli, na may 35% bed occupancy rate at Marche na may 34%.
Stable naman sa national level, ayon sa Agenas, na may 24% rate.
Ang PA di Trento ay bumalik ng mas mababa sa warning level na 29%, katulad ng Lombardia at Liguria.
Ang Abruzzo naman ay may 28%, kasama ang Puglia.
Ang Lazio nay may 27% covid19 patients bed occupancy.
Samantala, ang Emilia Romagna, Toscana at Molise ay may 23%.
Ang Piemonte ay may 22%. Sicilia ay may 20% habang ang ibang mga rehiyon ay nasa mas mababa sa 20%.