in

Ika-85 kaarawan ni Pope Benedict XVI

Hiniling ng Papa ang panalangin para sa higit lakas ispiritwal upang pangunahan ang Simbahang Katolika sa pagdiriwang ng kanyang ika-pitong taon bilang Papa.

altRoma, Abril 16, 2012 – Si Pope Benedict XVI ay nagdiriwang ng ika-85 taon ng kanyang kaarawan ngayong Lunes. Nakatakdang makipagkita sa kanyang nakatatandang kapatid na lalaki at ilang panauhin, at bilang pinakamatandang Papa sa loob ng 109 taon, hinihiling sa mga mananampalataya ang kanilang panalangin para sa higit na lakas ispiritwal upang pangunahan ang 1,2 billion mananampalataya sa mundo.

Si Pope Benedict XVI, sa panahon ng kanyang pontificate, ang may akda ng three encyclicals at naka bisita na rin sa 21 bansa sa limang kontinente, may kabuuan ng 30 biyahe sa loob at labas ng bansa.

Tatlong araw mula ngayon ay ipagdiriwang ang ika-pitong taong anibersayo ng pagkakahirang bilang Papa.

“Next Thursday, on the occasion of the seventh anniversary of my election to the See of Peter, I ask for your prayers, so that the Lord gives me the strength to fulfil the mission he entrusted to me,” ang mga pananalita ng Papa sa wikang French sa libu libong katoliko sa St. Peter’s Square kahapon, araw ng Linggo.

Si Pope Benedict XVI ang pinakamatandang Papa tapos ni Pope Leo XIII na namatay sa edad na 93 noong 1903.

“I am old but I still manage to carry out my duty,” sabi ni Pope Benedict kay Cuban leader Fidel Castro, ayon sa Vatican spokesman patukoy sa kanyang anim na araw na pagbisita sa Mexico at Cuba noong nakaraang buwan.

Nakatakda ring puntahan ng Papa ang Lebanon sa Setyembre at maaaring magtungo rin sa Rio de Janiero para sa World Youth Day ng 2013.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paglaban sa lahat ng uri ng pananamantala

April 30, deadline of submission ng Start it up