in

Ilang impormasyon ukol sa Decreto Flussi 2019, tinalakay ni Salvini

Sa isang press conference noong nakaraang January 23, 2019 ay tinalakay ang ilang impormasyon ni Minister Salvini ukol sa Decreto Flussi 2019, para sa lavoro stagionale at lavoro subordinato.

Inanunsyo ng Ministro na personal nitong kinumpirma ang buong nilalaman ng Decreto Flussi 2019 para sa seasonal at termporary workers  at hindi binawasan ang bilang nito.

Ngunit bago ito ganap na ilabas ay may mga puntos na nililinaw ang Ministro. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Tatapusin muna ang bilateral agreements sa ilang bansa bago ilabas ang Flussi 2019.

Kaugnay nito, nakatakda ang kanyang pagbalik sa Africa sa Marso. Sa katunayan, sa ilang bansa ng Africa ay malapit ng matapos ang agreement ngunit mayroong problema sa ilang asian countries tulad ng pakistan at Bangladesh.

  • Ang mga bansang hindi pipirma sa agreement of deportation ay hindi makakasama sa nalalapit na Decreto Flussi.

May ilang bansa na tinanggihan ang kolaborasyon at ang mga bansang ito ay hindi makakasama sa Decreto Flussi. Binubuksan ko ang mga pinto para sa regular na pagpasok at pagta-trabaho sa Italya pero isasara ko ang mga pinto sa sinumang magpapakita ng kawalan ng kolaborasyon para sa deportation sa harap ng malalang problema ng mga undocumented sa bansa”.

Gayunpaman, umaasa ang Ministro na hanggang bago mag-Spring ay magkaroon na ng linaw ang Decreto Flussi Stagionali.

Sa naging pagtitipon ay inanunsyo ni General Director on Migration and Integration of Ministry of Labor, Tatiana Esposito ang katulad na decreto flussi noong nakaraang taon (halos 30,000 para sa seasonal workers at conversion) bagaman nakatakdang suriin muli ang paghahati sa bilang  o quote na ilalaan sa seasonal, multi-entry authorization, self-employment at conversion.

Pinag-aaralaan at maaaring isaalang-alang din ang isang hindi mataas na bilang, marahil mula 5,000 – 6,000, para  decreto flussi per lavoro subordinato”, pagtatapos ni Esposito.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maaari bang bumalik sa Italya matapos ang isang deportasyon?

Ang bagong halaga ng kontribusyon sa taong 2019