in

Ilang rehiyon ng Italya, muling nasa high risk zone sa updated map ng ECDC

Muling kumakalat ang Covid19 sa Italya. Ito ay kinukumpirma rin sa updated epidemiological map ng European Center for Disease Control and Prevention o ECDC. Ang nabanggit na mapa ay may tatlong indicator: ang positivity rate, ang incidence ng mga bagong kaso ng Covid19 sa bawat 100,000 residente sa nagdaang dalawang linggo at ang percentage ng mga ginawang covid test

Ang ilang rehiyon ng Italya ay muling nasa red zone, partikular sa Friuli-Venezia Giulia, Marche, Calabria at ang autonomous province ng Bolzano. Ang mga nabanggit na nasa high risk zone ay nagtala naman ng mga bagong kaso ng Covid19 mula 50-150 cases. At ang positivity rate ay mas mababa 4% o sa pagitan ng 150 hanggang 500 kaso. 

Samantala, tatlong rehiyon ang nananatiling nasa green zone o low risk zone. Ito ay ang Molise, Sardegna at Valle d’Aosta na nagtala ng mas mababa sa 25 kaso sa bawat 100,000 residente, sa huling dalawang linggo. Ang positivity rate naman ay mas mababa sa 4%. 

Ang ibang mga rehiyon naman ng Italya na nasa yellow zone o moderate zone ay nagtala ng mas mababa sa 50 kaso bawat 100,000 residente. At may positivity rate na katumbas o mas mataas sa 4%. 

Ang ECDC map ay nagsisilbing sanggunian ng mga State Members ng EU para sa anumang desisyon ng restriksyon sa pagbibiyahe. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 2.3]

Nagpabakuna ng AstraZeneca, kailan dapat gawin ang booster dose?

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Permesso UE per lungo soggiornanti, ano ang required salary? Paano ito patutunayan?