Mirisola (NIHMP): “Sa 9330 na nagsidaong sa Lampedusa, tatlo lamang sa mga ito ang may nakakahawang sakit”. Ito ang data na naitala sa isang internasyonal na pagpupulong “Kalusugan at mga migrante.”
Roma – Ang mga imigrante na dumadating sa Italya na karaniwang malulusog, ay dito sa Italya nagkakasakit. Trauma (25.9% ng mga nao-ospital na lalaki), sakit sa bituka (14% ng populasyon ng parehong kasarian), bahagi at mga komplikasyon ng pagbubuntis at panganganak para sa mga babae (56.6%), na nagiging sanhi ng mas madalas sa pagka-confine ng mga ito.
Ito ay ilan sa mga data na pinalabas sa isang press conference ng National Federation ng mga Asosasyon ng Surgeon at dentista (Fnomceo). Sa unang pagpupulong ay may temang ukol sa Migrant Health, isang pakay ukol sa integrasyon at kooperasyon sa kalusugan, kung saan, sa pagitan ng 17 at 18 Hunyo, ay matutunghayan ang mga doktor at mga kinatawang institutional sa Taormina (Me), mula sa lahat ng dako ng Mediterranean upang simulan ang kooperasyon sa kasunduan sa kalusugan.
Napag-alaman ang health status ng mga imigrante na dumating sa Lampedusa mula sa Abril 11 hanggang ngayon na umabot sa 9300. Natagpuan na tatlong kaso lamang ang may nakahahawang sakit: tulad ng tuberculosis, malaria at ang isa sa isang HIV.
Ang katayuan ng kanilang kalusugan ay tatalakayin ng kurso sa pangunguna ni Concetta Mirisola, ang commissioner ng National Institute para sa pagsulong at sa kalusugan ng mga migrante(NIHMP). Magmula Abril 11, samakatwid magmula na ang NIHMP ay nanatili sa Lampedusa – umabot sa 45 ang mga pagdaong, na humantong sa 9,303 mga imigrante sa isla, kung saan 8,179 ang mag lalaki, 857 ang mga babae, 134 mga bata at 33 ang mga walang kasamang menor de edad.
Ang karamihan sa sakit na madalas matagpuan sa mga imigrante mula Abril ay dehydration, hypothermia, hirap sa paghinga at pagsisiskip ng dibdib, cystitis, ulcer, pamamaga ng binti at pagkakasugat sa mga paa.
“Hanggang ika-20 ng Mayo – ayon pa kay Mirisola – ang mga migrante na matatagpuan sa mga sentro (centri di prima accoglienza) sa isla ay umaabot na sa 989; 802 ang mga lalaki, 92 ang mga babae (dalawa ang nagdadalang tao), 19 ang mga menor de edad at 76 ang mga walang kasamang menor de edad”.