Mga Pilipino, kabilang sa mga pinakamalaking komunidad sa Florence.
Rome, Enero 18, 2013 – Patuloy pa rin ang pagdami ng mga dayuhan sa Florence, habang pababa naman ang bilang ng mga residenteng Italyano sa lungsod. Ito ay ayon sa yearly report ng Migrantes, na sa taong 2011 ang kabuuang bilang ng populasyon ng mga dayuhan ay umabot sa 53,338, mas mataas ng 3,309 kumpara noong 2010. Habang ang mga residenteng Italyano naman ay tinatayang umabot sa 318,772, kumpara sa 321,956 noong 2010.
Ang mga pangunahing nationalities sa Florence, ayon sa ulat, ay ang mga Peruvians, Albanians, Filipinos, Chinese at Sri Lankans.