in

Imigrasyon, pangunahing tema sa usapan ni Pope at ni Ban Ki-moon (Onu)

Pope Francis at UN Secretary General nag-usap sa Vatican.

Vatican, Abril 12, 2013 – Isang panibagong pagbibigay-diin sa mga problemang nauugnay sa mga imigrante, refugees at women trafficking. Ito ang mga binitawang salita ni Pope Francis sa kanyang pakikipag-usap kay UN Secretary General Ban Ki-moon sa Vatican.

Sa kanilang naging pag-uusap kamakailan, tulad ng binanggit ng Vatican press, ay natutok sa mga tema ng humanitarian emergencies, lalong higit ang mga kaguluhan sa Syria, gayun din ang hidwaan sa pagitan ng North at South Korea at  ang problema sa Africa, kung saan ang kapayapaan ay isang hamon.

Ngunit, bukod dito, ay pinag-usapan din ang ukol sa “human trafficking, partikular ang sa mga kababaihan at ang mga refugees at mga migrante”. Isang pag-uusap na sinundan kasama ang Kalihim ng Estado, Cardinal Tarcisio Bertone, kasama si Msgr. Antoine Camilleri, Under-Secretary for relations with States.

Ito ay maituturing na isang tradisyunal na pagbisita na ibinibigay ng Pope sa iba’t ibang Secretaries-General ng UN at gayun din “naghahangad na ipahayag ang paghanga sa Santa Sede sa pagkalinga sa kapayaan ng mundo, sa promosyon ng ikakabuti ng sangkatauhan at sa proteksyon sa mga pangunahing karapatang pantao”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“NO” sa salitang “clandestino” – Adnkronos

Assegno famiglie numerose, para rin sa mga dayuhang mayroong long term residence permit