in

Immigration Center bubuksan sa Milan

Munisipyo, Prefecture, Qustura, Asl at Ufficio scolastici, pinagsama-sama sa iisang tanggapan. Majorino: “Bubuksan sa 2015”.

Roma – Pebrero 19, 2013 – Isang bagong tanggapan upang bigyang serbisyo ng institusyon ang mga imigrante na naninirahan sa Milan.

Ito ang layunin ng pinirmahang kasunduan kamakailan ng namumuno ng Munisipyo na si Giuliano Pisapia kasama ang Prefecture, Questura, Asl Milan at Regional at territorial scholastic office. Matatapos ang written  project sa Sept 30, ngunit upang makita ang kaganapan ng proyekto ay kailangang maghintay ng ilang taon.

Ang “Immigration center” tulad ng mababasa sa isang note ng Munisipyo, ay magbibigay rin ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa oryentasyon ng mga naghahandang manirahan o lumipat sa lungsod ng Milan gayun din ng lahat ng mga sumasaklaw sa tema ng integrasyon: edukasyon, trabaho, bahay, kalusugan, legal assistance, anti-discrimination, welfare, social security at cultural exchange. Dito ay sama-samang matatagpuan ang mga tanggapan, serbisyo at personnel na sa kasalukuyan ay natatagpuan sa iba’t ibang tanggapan ng institusyon.

Ang kasunduan ay inaprubahan noong nakaraang Biyernes, lumikha rin ng technical committee kung saan magiging bahagi ang lahat ng mga pumirma sa kasunduan at magiging sentro ng patuloy na mga operasyon at mga diskusyon ng iba’t ibang tungkulin ukol sa pananatili ng mga dayuhan sa Milan. Bukod dito, ang Munispyo ay maglalagay rin online ng experimental website, upang maging lugar ng palitan ng opinyon at network ng lungsod”.

Ang aprubasyon sa kasunduan ng mga institusyon – paliwanag ni Assessor of Welfare Pierfancesco Majorino – sinimulan naming ang pagpaplano ng Immigration center. Ito ay magiging poin of reference ng mga mamamayang dayuhan at mga imigrante na darating sa ating lungsod para sa maikling panahon, o para manirahan, isang rebolusyon sa mga serbisyo ng pagtanggap at ng impormasyon. At hindi na hiwa-hiwalay na tanggapn bagkus ay nag-iisang tanggapan na lamang sa ilalim ng isang pamunuan. Ito ay inaasahang magaganap sa taong 2015”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship, sinubukan sa ikalawang pagkakataon, pasado!

Colf, babysitter at caregivers, paano ang renewal ng permit to stay?