Upang mabigyan ito ng katugunan, isang survey ang ginawa ng Leone Moressa Foundation, sa pakikipagtulungan ng Money Gram, gamit ang mga datos mula sa Istat ng taong 2018: 2.5 milyon, katumbas ng 10.6%, ang mga dayuhang employed o may trabaho, samantala, 2.4 milyon naman ang mga unemployed Italians.
Dahil ba magkalapit ang mga bilang na nabanggit ay inaagawan na ng mga dayuhan ang mga Italians ng trabaho?
Ayon sa survey “Ang mga employed Italians at employed foreigners ay mayroong magkaibang katangian pati na rin ang kanilang mga trabaho ay magkakaiba, bagaman parehong mahahalaga”.
Ang pagbagsak ng employed italians ay hindi umano dahil sa mga dayuhan. Sa katunayan, ang mga dayuhan pa nga ang mas apektado ng krisis sa ekonomiya partikular sa sektor ng konstruksyon.
Bukod dito, bingyang-diin din ng survey ang pagbagsak sa bilang ng pagpasok ng mga dayuhan kumpara sampung taon ang nakakaraan.
“Higit na kakaunti ang mga permesso da lavoro: mula 360k noong 2010 sa 14k ngayong 2018, mas mababa ng 96%. Bagkus ay tumaas ang bilang ng ibang uri ng permit to stay, partikular ang humanitarian, na hindi naman lumampas sa 100k“.
Ang mga dayuhan, kumpara sa mga Italians, ayon sa survey, ay mas mababa umano ang natapos sa edukasyon.
Sa huling 9 na taon, ang mga nakapagtapos ng Senior High School sa Italya ay bumaba umano at hindi rin naman nadagdagan ang mga laureati. Sapat na dahilan sa uri at antas ng trabaho ng mga dayuhan sa kasalukuyan.
Ang 33.3% ng mga dayuhan ay nasa unskilled o manual job at ang 29.7% naman ang mga nasa skilled at technical job. Nangunguna pa rin ang domestic job, ayon sa survey.
Ang employment rate ng mga dayuhan ay 61.2% sa 2018 at kumakatawan sa 9% ng GDP.
Sa madaling salita, malaking bahagi ng GDP ay mula sa sektor kung saan mataas ang employment ng mga dayuhan o ang 45.1% – hotel and restaurants (18.6%), agriculture (17.8%) at construction (17.6%). Mga trabaho kung saan bihirang makikita ang mga Italians.