in

Inaalagaang matanda, ninakawan ng tagapag-alagang Pinay

Nagkakahalaga ng 6,000 euros ang kabuuang halagang na-withdraw sa bank account ng matanda habang naka-confine ito sa ospital.

altRome, Marso 19, 2012 – Isang matandang Italyano ang nabawasan ng tatlong libong euros sa account habang naka–confine sa ospital. Napag-alaman, matapos ang maikling pagsisiyasat ng mga carabinieri ng Cagliari, ay pinagnanakawan diumano ng kanyang tagapag-alagang Filipina.

Isang report mula sa anak ng matanda ang nagtulak sa mga pulis upang alamin ang dahilan ng 6 na bank operations habang ang biktima ay nasa banig ng karamdaman. Noong una ay pinaghinalaang na-clone ang credit card ng matanda. Ngunit matapos ang mga pagsusuri mula sa bangko, ay natuklasang hindi na-clone ang credit card o kinopya ang Atm card ng matanda, bagkus ay ang orihinal ang ginamit sa pagkuha o pagwi-withdraw ng pera.

Ang pangunahing suspect ay ang Pinay na naglilingkod sa matanda, ang natatanging tao na maaaring maglabas-pumasok sa tahanan ng matanda, bukod sa anak nito at maaaring nakaka-alam ng pin code ng Atm card.

Mabilis na dinakip ang colf noong nakaraang Sabado na hindi naman itinanggi ang mga paratang.

Ang pincode ay nakasulat diumano sa agenda ng matanda at ang pagkakabaon sa utang ng Pinay ang nagtulak diumano upang gawin ito sa kanyang employer.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mutya ng Pilipinas Italy 2012

Hindi deklarado ang trabaho bilang colf, anu ano ang maaaring harapin ng employer?