Naitala sa buwan ng Marso ang pinakamababang annual inflation rate mula noong Mayo 2022. Bumaba sa 7.7% noong nakaraang buwan mula 9.1% noong buwan ng Pebrero, ayon sa provisional data na inilabas ng ISTAT, ang National Statistics Agency ng Italya, kamakailan. Ito ang pinakamababang naitala na annual inflation rate mula noong Mayo 2022 (6.8%).
“Ang pagbagal ng annual inflation rate ay higit sa lahat dahil sa mga presyo ng mga non-regulated energy products (mula sa +40.8% hanggang +18.9%) at angpagbaba ng mga regulated energy products (mula -16.4% hanggang – 20.4%) pati ang naitala, bagaman sa mababang antas, ang presyo ng processed food (mula sa +15.5% hanggang +15.3%), non-durable goods (mula sa +7.0% hanggang +6.8%) at mga serbisyong nauugnay sa transportasyon ( mula +6.4% hanggang +6.3%)”, ayon sa National Statistics Agency ng Italya.
Sinabi pa ng ISTAT na ang monthly consumer price index ay bumaba ng 0.3%.
Gayunpaman, ayon sa ahensya, nananatiling mataas ang trolley index ng mga produkto na madalas bilhin ng mga consumers tulad ng pagkain at mga gamit sa bahay, at naitala ang pagtaas ng 12.7% per annum basis. (PGA)