Kabilang sa mga hakbang na napapaloob sa Decreto Cura Italia sa pagharap sa kasalukuyang emerhensya ng covid19, ay napapaloob rin ang ukol sa insurance ng mga sasakyan at motor.
Upang matugunan ang hinaharap na krisis ng karamihan ay pinalawig din ang scadenza o expiration ng mga polizze Rc auto e moto.
Upang magamit ang lahat ng uri ng mga sasakyan o kahit pa ang mga ito ay naka-parada lamang sa public place (maliban na lamang ang mga nasa garage) ay kailangan ang aktibong insurance.
Ang decreto Cura Italia ay pinalawig ang scadenza o expiration ng mga insurance upang ang mga mamamayan na hindi nagamit ang sasakyan sa panahon ng lockdown ay hindi ito babayaran.
Ayon sa pinaiiral na batas, mayroong 15 days extension ang insurance ng mga sasakyan at motor makalipas ang validity nito. Sa 15 araw na ito makalipas ang validity ng insurance ay maaari pa ring gamitin ang sasakyan at ito ay may coverage din sa kaso ng aksidente. Ang 15 araw na ito ay dinoble ng Decreto Cura Italia at samakatwid ay ginawang 30 araw. Samakatwid, kung ang expiration ng insurance ay March 30, ito ay maaaring bayaran sa April 30 at sa loob ng 30 araw na extension ay maaaring gamitin ang sasakyan at ito ay covered din sa kaso ng aksidente.
Ang 30 days extension ng validity ng mga car at motor insurance ay itinakda ng nasabing dekreto hanggang July 31, 2020. Gayunpaman ito ay tumutukoy sa mga expiration mula Feb 21 hanggang April 30.
Ang pagsasailalim sa lockdown ay naging sanhi rin ng pagsasara ng maraming autofficine o car repair shop. Dahil dito ang mga sasakyan na dapat gawin ang revisione hanggang July 31, 2020 ay maaaring gawin ito hanggang October 31, 2020.
Kahit ang mga patente di giuda o driver’s license ay extended din ang validity hanggang August 31, 2020. (PGA)