Inilabas na ng Ministry of University and Research ang procedures para sa pagpasok at pag-aaral ng mga international students – mula pre-enrollment hanggang sa pagkilala sa kwalipikasyon para sa pagpasok sa higher education courses sa Italya para sa academic year 2021-2022.
Gayunpaman, ang buong proseso ay napapailalim sa magiging ebolusyon ng pandemya at sa mga hakbang na gagamitin ng gobyerno ng Italya at ng Europa sakaling lumala ang sitwasyon.
Kaugnay nito, ang mga international students ay inaanyayahan na sundin ang proseso para sa pre-enrollment at releasing ng entry visa na kinakailangan sa pagpunta sa Italya para mag-aral.
Matatagpuan sa offocial website ng Studiare-in-Italia.it ang isang database para sa mga kurso, bilang, mga unibersidad, institusyon at ateneo na nakalaan para sa mga international students.
Ang website Universitaly naman para sa pre-enrollment application para sa issuance ng entry visa, sa seksyong International Students 2021.
Ang buong proseso para sa mga international students sa academic year 2021-2022:
- Procedure per l’ingresso, il soggiorno, l’immatricolazione degli studenti internazionali e il relativo riconoscimento dei titoli, per i corsi della formazione superiore in Italia a.a. 2021/2022
- Procedures for entry, residency and enrolment of international students and the respective recognition of qualifications, for higher education courses in italy. Academic year 2021-2022