in

Invalsi 2019: Mas mahusay sa English subject ang mga mag-aaral na dayuhan kaysa mga Italians

Bagaman bahagyang naiiwan sa Math at Italian subjects ang mga mag-aaral na dayuhan ay nangunguna naman sa English subject.

Ito ang resulta ng Invalsi test 2019 mula sa higit sa 2 milyon at kalahating mga mag-aaral mulaElementary hanggang Secondary school na inilahad sa Camera kamakailan.

Sa lahat ng grado, ayon sa assessment institute, ang mga mag-aaral na hindi Italians ay mayroong mas mababang resulta sa Italian at Math subjects kumpara sa mga Italians.

Ang pagkakaibang ito gayunpaman ay nababawasan mula sa una at ikalawang henerasyon at habang nasa scholastic year ang mga mag-aaral, partikular sa Math subject, ang subject kung saan hindi naman higit na kailangan ang Italian language.

Sa terza media, kung saan nagtatapos ang Middle school, ang pagkakaiba ng mga Italians at ikalawang henerasyon ng mga dayuhan, sa national level ay 18 puntos sa Italian subject at 9 na puntos naman sa Math subject.

Samantala sa English subject naman, na isa sa tinutukan ng Invalsi test, ang mga dayuhang mag-aaral ay mayroong parehong resulta ng kanilang mga kaklase. At sa ibang rehiyon naman, ang mga dayuhang mag-aaral, partikular ang ikalawang henerasyon ay mas mataas ang resulta sa Listening.

Gayunpaman, ang resultang ito ay maaaring magkaroon ng ibang interpretasyon. Ito ay ang mababang kaalaman ng mga Italians sa wikang ingles.

Sa katunayan, sa Reading, sa huling taon ng Secondary School, ang 51.8% ng mga mag-aaral ang umabot sa level B2. Samantala, ang 10.6% ay hindi umabot sa B1, o isang mababang lebel matapos ang 13 pa-aaral.

Sa Listening naman ay 35% lamang ng mga mag-aaral ang umabot sa B2.

Ang resulta sa national level ng Invalsi test 2019, na sa taong ito ay ituturing rin na pagsusuri sa kwalidad at pag-uugali ng mga mag-aaral sa huling taon sa secondary school, ay nagpapakita ng isang kritikal na antas ng pang-unawa sa mga mag-aaral sa Grade 2 at Grade 5, huling taon ng middle school (terza media) at ikalawa at ikalimang taon sa Secondary school.

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Aplikasyon ng mga non-Europeans para sa Reddito di Cittadinanza, naka-pending simula Abril

Aplikasyon para sa Italian citizenship, narito ang bagong bollettino postale