Sa kabila ng pagkakaroon ng iba’t ibang pananaw ng bawat tao, masasabing mahalaga ang pagkakaroon ng ipon, lalo na’t limitado ang budget at nais na maging secured ang kinabukasan sakaling magkaroon ng anumang biglaang pangangailangan.
Ang pagkakaroon ng insurance ay isang uri ng pag-iimpok at nagbibigay-daan ito na maprotesyunan hindi lamang ang ating mga sarili, kundi pati na rin ang ating mga mahal sa buhay mula sa mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay, pisikal o pinansyal man.
Ito ay isang magandang kaugalian upang masigurado na ang mga emergencies ay hindi makakaapekto sa ating pananalapi at hindi rin makakadagdag pa sa ating mga alalahanin, lalo na sa panahon ng pagkakasakit o aksidente.
Ang pag-iipon para sa kinabukasan ay nangangahulugan din ng paghahanda para sa ating pagtanda, kapag hindi na natin kayang magtrabaho at kailangan ng magretiro.
Kasabay nito, magagarantiyahan din nito ang pagtatapos sa pag-aaral ng ating mga anak, ang kanilang pamumuhay ng maayos at may sapat na supply sa lahat ng kanilang mga pangangailangan.
Gusto mo bang malaman ang sikreto sa stress free at mas mapayapang kinabukasan? Protektahan ang iyong kinabukasan at pati ng iyong mga mahal sa buhay!
Samahan sina Haira Haceveda, Alleanza Assicurazioni consultant, at
Pia Gonzalez Abucay, ang journalist ng Ako ay Pilipino, sa isa na namang Facebook live broadcast sa October 19, 2023, Thursday, 6:00pm sa facebook page ng Ako Ay Pilipino www.facebook.com/akoaypilipinoitalya
Sasagutin ang lahat ng iyong mga katanungan at palalawakin pa ang inyong kaalaman!