in

Investment Day Special Edition

Financial planning, susi para sa financial security at financial stability

Bilang isang Ofw mahalagang alam kung paano hahawakan ang kita o sahod, na bunga ng matinding pagod at pawis sa pagtatrabaho. Ang sakripisyong ito ay dapat pahalagahan sa pamamagitan nang maayos na pagba-budget at pagkakaroon ng savings para sa sarili at sariling pamilya sa pagkakaroon ng financial security at stability. Sa katunayan, matatandaang laging bukambibig ng mga nakakatanda ang salitang “Magtabi ka” o ang “Mag-ipon ka habang bata ka pa”. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng tamang pagba-budget at pagkakaroon ng savings? Paano gagawin ang mga ito upang magkaroon ng isang matatag na investment?

Ang budgeting ay ang paglalaan ng kita o sahod sa tamang dapat mapuntahan nito. At ang pag-iipon o savings naman ay literal na nangangahulugan ng pagtatabi ng pera o paglalaan ng bahagi ng kita para sa mga future objectives o necessities. Ang tamang budgeting at magpapahintulot sa pagkakaroon ng ipon. Ito ay magiging investment kung ito ay ilalagay sa mga financial instruments tulad ng time deposit, mutual funds, stocks, o bonds, na maaaring magdulot ng potensyal na return o kita sa hinaharap. At upang makapili ng tamang uri ng investment ay kailangang siguradong handa sa pagharap sa mga risks o panganib.

Ang prosesong ito, mula sa pagba-budget ng ating sahod, lingid sa ating alaman, ay ang tinatawag na financial planning. Ito ay ang proseso kung saan ini-evaluate natin ang ating current at future, needs at mga goals, hindi lang para sa ating sarili kundi kasama ang pangangailangan at objectives ng ating sariling pamilya. Sa pamamagitan nito, naipaplano natin ang pag-iipon at pag-iinvest para sa ating future.

Samakatwid, ito ay nangangailangan ng isang maayos at malinaw na financial planning. Mahalagang isaalang-alang ang maraming aspeto at maisakatuparan muna ang isang masinsinang pagpaplano. Paano sisimulan at paano gagawin ang financial planning? Anu-ano ang mga financial instruments sa pagi-invest? At paano haharapin ang possible risk? Ano ang panahong pinag-uusapan sa pagkakaroon ng malaking return?

Ang mga katanungang ito ay sasagutin at tatalakayin sa nalalapit na webinar – May 9, sa ganap na alas 6:30 ng gabi, “Investment day Special Edition” sa facebook fan page ng Ako ay Pilipino, kung saan makakasama si Haira Magtibay Aceveda, isang financial consultant na tutulong sa atin upang magkaroon ng financial security.

Makiisa sa special edition na ito at tanggapin ang mga mahahalagang tips para sa matagumpay na financial planning at masigurado ang financial stability at security para sa kinabukasan mo at ng iyong pamilya.

https://www.facebook.com/events/442825644800575

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Liberation Day, ipinagdiriwang sa Italya tuwing April 25

Philippine Chamber of Commerce in Italy, matagumpay na nailunsad