Namonopolize ang italian politics dahil sa iringan sa pagitan nina Presidente ng Konseho Silvio Berlusconi at Presidente ng Kamara Gianfranco Fini.
Tinanggal sa Popolo della Libertà si Fini noong katapusan ng Hulyo, ang partido na kaniyang itinayo kasama si Berlusconi, na kung saan ay inumpisahan ang tema sa legalidad, pederalismo at migrasyon. Sa paligid ni Fini nabuo ang bagong grupong pampolitiko, tinawag na Futuro e libertà per l’Italia, na magbibigay ng kasiguraduhan sa pag-alalay sa gobyeno at maging mapagbantay.
Hindi tiyak ang kinabukasan, sapagkat ang boto ng bagong grupo ay maaaring magdulot sa gobyerno ng kahinaan. Maaari itong dahilan sa pagkakaroon ng dalawang solusyon: ang pagsilang ng transitional government, bubuuin ng mga partido na kasalukuyang nasa oposisyon, o kaya’y may bagong eleksyon na maaaring makahadlang sa gawaing politikal habang ang Italya ay apektado ng economic crisis.
Pinagbibitiw ng Popolo delle Libertà at Lega Nord si Fini bilang presidente ng Kamara sapagkat ang huli ay hindi na nila kakampi. Samantala, ang mga pahayagang malapit kay Berlusconi ay inakusahan si Fini na nagbigay sa bayaw bilang pabor, ng isang bahay sa Montecarlo na namana sa dati niyang partido.