in

Irregularities at illegal hiring sa Salone del Mobile sa Milan, kumpirmado

Mas mahigpit na kontrol ng mga awtoridad na kinumpirma ang irregularities at illegal hiring. Ang Fiera di Milano (Milan Trade fair) ay nag-anunsyo ng mga bagong regulasyon.

altRoma – Mayo3, 2012 – Maraming”undeclared” sa likod ng Salone del Mobile sa Milan, na ang mga stands ay kadalasang binubuo at kinakalas ng mga dayuhang mangagawa na inaabuso ng foremen. Isang kumpirmadong sitwasyon na sinuri ng mga awtoridad at ngayon ay naghahayag ng mga mahigpit na mga regulasyon.

Ang Salone ay natapos noong nakaraang Abril 22 at mula noong araw na iyon ay sinimulan ang mga mahihigpit na kontrol ng mga pulis at ng mga financial guard (guardia di finanza) sa manpower na nagtanggal ng mga stands na ginamit sa exhibit

Ang Carabinieri (Italian military police, with civilian duties) ay kinontrol ang 7pavilions, at kinilala ang144 katao at nireport ang 3 abusadong foremen (1 Italyano) at apat na kumpanya.

Ang mga pulis naman ay kinontrol ang 8 pavilions, kinilala ang higit sa 100 mga manggagawa kung saan 20 ang mga dayuhan at 8 nito ang kasalukuyang iniimbistigahan dahil mga walang permit to stay. Tatlo sa mga foremen ang iniimbistigahan dahil sa iligal na pagpapapasok sa mga dayuhan at ilang mga kumpanya na nasasangkot sa undeclared work ng mga manggagawa. Ang financial guard ay kinilala ang 200 katao at 30 naman ang magkakaroon ng paglilitis.   

Sa ngayon ang Fiera di Milano ay naghayag ng mga paghihigpit sa mga exhibitors at sapat na kaparusahan sa mga gumamit ng mga iligal namanggagawa. Ang bagong regulasyon ay ipatutupad sa lalong madaling panahon. Sa kasalukuyan, ang kaparusahan ay ang mga babala at ang pagpapaalis ng mga expositions at ang hindi na kaylanmang pagtatrabahong muli sa eksibisyon.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mas mabilis na citizenship dahil sa kasal

Little Azkals sa Palermo, nagpakitang gilas!