in

Isa sa bawat sampung manggagawa ay walang kontrata sa Italya

ISTAT: Higit sa 2.5 milyon ang mga trabahong walang kontrata (lavoro nero). Household work – record!  Higit na sa 50%.

altRome – Sa 2010 sa Italya, higit sa 2.5 milyong mga manggagawa ay hindi regular o walang kontrata. Ang bilang ay binubuo ng 2,102,200 empleyado at 446,400 ang hindi regular na self employed. Sa Italya sa taong 2010 ang mga taong nagta-trabaho, parehong regular at hindi regular, ay umaabot sa 24,643,000, at sa bilang na ito, ang hindi regular na trabaho o walang kontrata may 10.3%.

Ito ay lumabas mula sa mga nailathalang ulat ng ISTAT ukol sa dami ng trabahong hindi regular sa bansa para sa taong 1995-2010. Ang mayroong trabaho, regular at hindi regular, sa taong 2010 ay bumabà sa bilang na 196,000 kumpara sa 2009. Ang pagbagsak na naitala ay halos puro regular na trabaho (191,000) samantalang ang hindi regular na trabaho ay nanatili sa bilang nito.

Ang sektor na may pinakamataas na irregularities o walang kontrata ay ang agrikultura, sa kabuuan may tinatayang 37.4% ang hindi regular at may 372,000 ang manggagawang walang kontrata (bumabà kumpara  sa nakaraang dalawampung taon nang matalà ang 48.5%). Ngunit ang sektor na kung saan ay may pinakamalaking bilang ng mga manggagawang walang kontrata ay ang mga serbisyong may  undocumented workers na 1,792,000 (10.6% ng kabuuang sektor), bahagyang bumabà noong taong 2009 (sa bilang na 1,822,900).

Sa industriya naman, limitado sa  5.7% at 384,000 na katao ang walang kontrata. Kung isaalang-alang ang industriya, hindi kasama ang konstruksyon,  ang porsyento  ay bumabà sa 4.4% na kumakatawan sa mas mataas na balor sa huling 9 na taon.

Kabilang sa mga serbisyong nananatiling may mataas na panganib ng irregularities ay ang komersyo o pangkalakalan (444, 500 hindi regular na manggagawa katumbas ng 7.4% ), ang real estate brokerage at iba pang serbisyo (higit sa 1,000,000 hindi regular na mga manggagawa sa taong 2010) lalo’t higit ang mga household service workers.  Walang pang update na talaan hanggang 2010 ngunit sa mga nakaraang taon ang porsyento ng mga trabahador na walang kontrata ay palaging higit sa 50%.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

18 anyos, sapat na edad upang maging Italyano

Ako ay mayroong tourist visa, ang aking asawa ay dito sa Italya naninirahan. Ano ang aking dapat gawin upang manatili rin sa Italya?