Humigit-kumulang isang libong mga Ukrainians ang nakarating na sa Italya. Karamihan ay mga matatanda, kababaihan at mga bata. Halos lahat ay nagtungo sa tahanan ng mga kapamilya o kaibigan na naninirahan at nagtatrabaho sa bansa.
Ayon sa Italy-Ukraine Association, posibleng umabot mula 800,000 hanggang 900,000 ang mga refugees na maaaring humingi ng saklolo sa Italya. Bagaman mahirap umanong hulaan kung ilan ang maaaring dumating sa mga susunod na linggo.
Sa ngayon, ang Ministry of Interior ay naghanda ng plano para sa 16,000 posts sa mga shelters para sa mga refugees (13,000 sa CAS (Centri di accoglienza straordinaria) at 3,000 sa Sai (Sistema di accoglienza e integrazione). Ang huling nabanggit ay higit na angkop (sa kasalukuyan) dahil ito ay para sa mga matatanda, kababaihan at mga bata. Ang mga inihandang lugar ay maaaring hindi sasapat, ngunit ayon sa Viminale ito umano ay unang hakbang lamang ng plano.
Basahin din: State of Humanitarian Emergency, idineklara ng Italya
Ayon sa kalkulasyon na ginawa ng UNHCR (United Nations High Commissioner for Refugees) at NATO – papalo sa 5-6 na milyong katao ang mga lilikas mula sa Ukraine. Sa kasalukuyan, halos 836,000 ang mga nagsilikas na. Sa Romania, ayon sa cotidianul.ro, umabot na sa 16,000 ang bilang ng mga Ukrainians na dumating doon. Sa Germany, ayon sa mga unang ulita, higit na sa 5,000 ang mga refugess at ang mga ito ay hindi na kailangang mag-request ng asylum dahil ginawa nang simple ang proseso noong mga nakaraang araw.