Labing-apat na pusher ang inaresto kahapon ng Comando provincial di Roma. Nahulihan ng daan-daang dosage ng marijuana, cocaine at iba pang ipinagbabawal na gamot.
Rome, Abril 23, 2012 – Nagsagawa kahapon ng operasyon ang carabinieri ng Comando provincial di Roma upang labanan ang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot sa nakaraang 24 oras, sa ilang bahagi ng kabisera.
Sa Trastevere, Termini, Montespaccato, San Paolo, Ostiense, San Basilio, Torrino, Casilina at Pigneto, isinagawa ang naturang operasyon. Walong Romans at anim na dayuhan ang inaresto, kabilang ang isang Pinoy, dalawang minors na Nigerian, isang Moroccan, Gambian at isang Bangladesh, may edad sa pagitan ng 16 at 51 taong gulang at halos lahat ay kilala na ng awtoridad dahil sa mga police records ng mga ito.
Ang mga pushers ay nahulihan ng daan-daang mga dosages ng marijuana, cocaine, heroin, mga ipinagbabawal na gamot na handang ibenta sa kabisera. Kumpiskado rin ang shaboo, kilalang drugs mula sa Pilipinas.