in

ISEE sa mga CAF, babayaran na

ISEE Ako Ay Pilipino

Ang Indicatore della Situazione Economica Equivalente o ISEE ay isang libreng serbisyo na ibinibigay ng mga Centri di Assistenza Fiscale o CAF, ngunit simula sa susunod na buwan ay posibleng may bayad na. 

Ang ISEE  ay kinakailangan upang malaman kung mayroong karapatan sa pagtanggap ng iba’t ibang tulong mula sa gobyerno. 

Basahin din:

Sa ngayon, ang mga CAF, hindi katulad sa nakaraan, ay halos matambakan ng mga dapat na kalkulahing ISEE, na kinakailangan upang makatanggap ang assegno unico, RdC,  mga scholarship o borse di studio at marami pang iba. Partikular, may ilang mga subsidy at tulong pinansyal na ang deadline ay nakatakda sa buwan ng Hunyo. 

Sa ngayon, ang ISEE  ay maaaring makuha sa iba’t ibang paraan: 

  • sa pamamagitan ng isang commercialista o accountant;
  • sa pamamagitan ng Caf; 
  • sa pamamagitan ng pagsagot sa form ng INPS website;
  • sa pamamagitan ng bagong serbisyo ng Poste Italiane. 

Ang ISEE ay karaniwang libre ayon sa batas, maliban sa kaso ng commercialista o accountant na naniningil para sa serbisyo.

Ang ISEE ay libre dahil  sa isang kasunduan sa INPS. Nakakatanggap ang mga CAF taun-taon ng sapat na pondo upang magarantiya ang libreng serbisyo. 

Mula sa simula ng taon umabot sa 8 milyong katao ang lumapit sa CAF para sa ISEE at inaasahang aabot sa 10 milyon hanggang sa pagtatapos ng summer dahil maraming bonus ang inaasahan para sa buwan ng June at July. 

Ang malaking demand sa mga CAF at ang nababalitang kawalan ng pondo mula Inps, ang dahilan sa posibleng pagkakaroon ng bayad ng ISEE.  Gayunpaman, ang mga CAF ay kailangang sundan ang itinandang linya ng Inps at samakatwid ang halaga ay batay sa bilang o laki ng nucleo familiare. 

  • mula 1 hanggang 2 miyembro ng pamilya – € 10,81
  • mula 3 hanggang 5 miyembro ng pamilya – € 14,33 
  • higit sa 5 miyembro – € 17,35

Dahil sa mga nabanggit, posibleng mula ‘libre’ ay babayaran na ang ISEE sa mga CAF simula sa June kapag tuluyang naubos na ang pondong ibinibigay ng INPS para sa serbisyong ito. Gayunpaman, kung hindi mare-renew ang kasunduan, ang mga CAF ay hindi maaaring huminto at ang mga mamamayan ay mapipilitang pumili – magbabayad upang magkaroon ng Isee o hindi na magpapagawa ng Isee dahil may bayan na. 

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Italian citizenship minimum salary requirement Ako Ay Pilipino

Kontribusyon ng €250,00 at bollo sa aplikasyon ng Italian Citizenship, babayaran online

Bonus trasporto, ano ito at paano mag-aplay?