in

ISMU: Mga dayuhan sa Italya, higit sa 6 na milyon

Sa kasalukuyan ay mayroong higit sa anim na milyong mga dayuhan sa Italya. Bilang na patuloy sa pagtaas at kabaligtaran naman ng natal rate na bumabagsak sa bansa. Higit sa lahat, sa unang pagkakataon ay pumalo sa 1 dayuhan sa bawat 10 residente.

Ang mga residente sa Italya ay may bilang na 60.484 milyon. Ayon sa Ismu Foundation, ay tinatayang mayroong 6.108 milyon dayuhan sa bansa hanggang Enero 1, 2018. Samantala noong nakaraang taon, sa parehong petsa, ang bilang ay higit umanong mas mababa: ang pagtaas ng populasyon ng mga dayuhang ay umabot sa 2.5%, dahil na rin sa mass immigration. Ang mga hindi regular ay nadagdagan naman ng 8.6% at umaabot sa 533,000 ang mga undocumented.

Ang XXIV report sa Migration ay naglahad ng kawalan ng kakayahan ng sistema ng bansa ukol sa bilang ng lahat ng mga  naninirahan sa teritoryo ng Italya. Kung higit sa anim na milyong mga non-EU nationals ay mayroong 84.2% na nakatala sa Anagrafe, ang natitirang 15.8 % ay hindi nababanggit. Sa mga ito, ang 7.1% ay may permit to stay habang ang 8.7% ay undocumented.

Ang mga nabanggit na datos ay nararapat lamang na pagtuunan ng pansin. Bagsak ang natal rate ng mga Italians at padami naman ng padami ang mga imigrante. Ang 71% ng mga dayuhan ay mula sa Europa, na may kabuuang bilang na 3.582 M. Higit sa 1.1 milyon ang mula sa Albania, Ucraine at Moldava. Pareho ang bilang mula sa Africa. Gayunpaman, ay boom ang mass immigration mula sa Marocco, Egypt, Senegal at Tunisia at record din sa 2017 ang pagdating ng mga mula sa Guinea (+ 63%), Mali (+ 30%), Nigeria (+ 20%), Ivory Coast (+ 16%) at Somalia (+ 12%).

Sa kabilang banda, mas mababa naman ang bilang ng mga mula sa  Americas (370,000) at mula sa Asya (higit sa isang milyon).

Dapat ding isaalang-alang na ang Italya ay nananatiling nangungunang bansa sa pagbibigay ng italian citizenship by naturalization (noong 2017 ay may 147,000). Ayon sa Ismu Foundation, ay magkakaroon ng 1.6 hanggang 1.9 milyong new Italian citizens sa susunod na sampung taon. Samantala, ang rate ng mga imigrante per capita ay lalampas ng 1:10.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Discount card, tinanggal na sa mga non-Europeans

Mga Pinoy sa Modena, nakiisa sa “Oplan: Pulizie Straordinarie”