in

ISTAT – 3.6 milyon, populasyon ng mga non-EU nationals sa Italya

Dumadami ang mga minors, halos 900,000, at anim bawat sampung minors ay ipinanganak dito sa Italya. At isa bawat dalawang dayuhan ay mayroong carta di soggiorno. Samantala, ikalima ang mga Pilipino sa pinakamalaking komunidad sa Italya.  

Roma – Hulyo 25, 2012 – Sa simula ng taong ito ang mga non-EU nationals na regular sa Italya ay 3.6 milyon na. Isang patuloy na pagdami ng mga minors at karamihan ay ipinanganak sa Italya, gayun din ang EC long term residence permit na kumakatawan sa higit sa kalahati ng mga regular na imigrante.

Batay sa mga datas buhat sa Ministry of Interior, ang Istat ay inilathala ngayong araw na ito ang report, “Cittadini non comunitari regolarmente soggiornanti. Anni 2011- 2012”. Narito ang mga pangunahing puntos:

– Hanggang Enero 1, 2012, ayon sa mga numero mula sa Ministry of Interior, ay regular sa Italya ang 3,637,724 non-EU nationals

– Sa pagitan ng 2011 at 2012 ang bilang ng mga non-EU nationals na regular na naninirahan ay tumaas ng 102,000

– Ang mga pangunahing nasyonalidad na maituturing na pinaka malalaking ay ang mga Morocco (506,369), Albania (491,495), China (277,570), Ukraine (223,782) at ng Pilipinas (152,382).

– Ang mga non-EU minors na nasa Italya ay kumakatawan sa 23.9% ng mga non-EU nationals, samantalang noong 2011 ay kumakatawan lamang sa 21.5%.

– Ang mga under 18 na ipinanganak sa Italya ay higit sa 500,000, halos 60% ng kabuuang bilang.

– Patuloy ang pagdami ng mga long term residents. Noong 2011 ay 1,638,734, at noong 2012 ay 1,896,223 at kumakatawan sa malaking bahagi ng mga regular na naninirahan (52.1%). Ang bilang ng mga long term residents ay partikular na mataas sa Centre-North Region.

– Malinaw ang pagbaba sa bilang ng pagpasok sa Italya ng mga non-EU nationals: sa taong 2011 ay 361,690 ang mga bagong mga permit to stay ang inisyu, halos mas mababa ng 40% kumpara sa taong 2010.

– Bumaba ang mga bagong dating na mga kababaihan (-45.7%) samantala ang mga lalaki (-33.6%);

– Malaki rin ang ibinawas ng mga inisyu na permit to stay per lavoro (higit sa 65% ang ibinaba); habang (21.2%), ang mga bagong permit to stay para sa pamilya.

– Malaki ang itinaas ng mga inisyu na permit to stay na asylum at humanitarian, mula sa 10,336 ng 2010 sa 42,672 ng 2011. Noong 2011 ay kumakatawan sa 11.8 % ng mga bagong dating, habang noong 2010 ay 1.7% lamang. Tatlo lamang ang nasyonalidad na higit sa 50% ng kabuuan ang ganitong uri ng permit to stay:  Tunisia (27.5%), Nigeria (16.3%) at Ghana (7.4%).

– Ang pagbaba ng issuance ng mga bagong permit to stay ay dahil sa mga bansa ng North-east: humigit-kumulang 170,000 ang mga bagong permit na inisyu noong 2010, habang  83,000 na lamang noong 2011.

– Ang 67% ng mga non-EU nationals na pumasok ng Italya noong 2007 ay regular pa rin na naninirahan hanggang Enero 2012. Sa halos 20% ng mga ito, gayunpaman, ay nag-renew ng permit to stay sa ibang lalawigan at hindi kung saan unang inisyu ang dokumento.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Blue Card, mga bagong alituntunin ukol sa pagpasok ng mga highly skilled immigrants

Schengen Commission: Regularization, maaaring magbunyag ng 400,000 irregulars