in

Istat: 5 milyon ang mahihirap sa Italya

Sa Italya ay mayroong 5 milyong katao na namumuhay sa kahirapan at 1.6 milyon nito ay mga dayuhan. Ito ay ayon kay Istat president Franzini.

Ang datos ay ang pinakamataas na naitala mula 2005. Ito ay tumutukoy sa mga pamilya (1.787 milyon, katumbas ng 6.9% ng kabuuang bilang ng mga residenteng pamliya) at mga single (8.4% ng kabuuang populasyon).

Makalipas ang sampung taon, ang bilang ng mga mamamayang nasa kahirapan sa bansa ay higit pa sa nadoble“,  komento ng Codacons sa ulat.

Sa katunayan, mula 2.4 milyon noong 2007 ay tumaas sa 5 milyon sa taong 2018“, dagdag ng Codacons.

Ang datos ay buhat kay Istat president Maurizio Franzini sa isang pagdinig ukol sa Government Economic and Financial Document.

Ang 6.2% o 3.349,000 katao ay tumutukoy sa mga mamamayang Italyano at ang 32.3% o 1.609,000 ay tumutukoy naman sa mga dayuhan.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga dapat malaman ukol sa Kanser sa Suso

Illegal recruitment ng mga Pinoy na seaman sa Italya, inimbestigahan