in

IT Wallet, ang Bagong Digital App sa Italya. Ano ang gamit nito?

Noong nakaraang Hulyo, sinimulan na sa Italya ang pilot test ng IT Wallet, ang bagong app ng gobyerno na bahagi ng App IO. Sa pamamagitan ng app na ito, maaaring i-upload sa sariling smartphone ang sariling driver’s license, health card, at European Disability Card. Sa hinaharap, maging ang pasaporte ay maaari na ring ilagay dito. Isa itong malaking pagbabago, dahil papalitan ng IT Wallet ang kilalang SPID bilang paraan ng pag-access sa mga serbisyo ng Public Administration.

Tulad ng nabanggit, ang unang phase ng trial period ay digital wallet nagsimula noong July sa App IO. Sa panahong ito, maaaring gamitin ang app upang i-upload ang iyong driver’s license, health card, at European Disability Card.

Ang sistemang ito ay itinatag sa ilalim ng Decreto Legge PNRR quater at may dalawang pangunahing layunin:
•⁠ ⁠Una, upang makasunod sa mga regulasyon ng European Digital Identity Wallet (EUDI), na magiging available sa lahat ng mamamayan ng European Union sa taong 2026.
•⁠ ⁠Pangalawa, upang lumikha ng isang virtual identity na mag-uugnay sa lahat ng dokumento at personal na impormasyon.

Mahalagang tandaan na habang nasa trial period pa lamang, hindi pa kikilalanin ng mga ahensya ang virtual na bersyon ng mga dokumento bilang katumbas ng mga pisikal na kopya.

Ang official validation ng app ay inaasahan ngayong Setyembre hanggang Oktubre.Tandaan na tanging ang mga nasa wastong edad (18 pataas) lamang ang maaaring mag-upload ng unang tatlong dokumento sa platform. Sa mga susunod na buwan, maaaring i-upload na rin ang iba pang dokumento gaya ng pasaporte, birth certificate, at voter’s ID. Inaasahang matatapos ang buong eksperimento pagsapit ng 2025.

Ang proyektong ito ay may budget na €102 milyon bawat taon para sa 2024, 2025, at 2026. Layunin nitong gawing mas madali ang pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan sa Public Administration, habang nagbibigay ng mas malawak na access sa iba’t ibang serbisyo. Kikilalanin ng lahat ng pampublikong ahensya ang virtual wallet, kaya’t magiging mas simple ang pang-araw-araw na buhay ng mga gumagamit nito.

Tandaan, ang IT Wallet ay hindi sapilitan.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

ALSE OF-LIFE Program: Gabay ng mga Bagong Bayani sa Pag-unlad, Paglilingkod at Tagumpay

Partita IVA at Subordinate Contract: Timbangin ang mga Benepisyo at Obligasyon