in

Italian citizens matapos ang Junior High School? Aabot sa 20,000 kada taon

21,000 ang mga kabataang anak ng imigrante ang magtatapos ng Junior High School o Scuola Media sa Hunyo. Sila ang tinutukoy sa reporma ng citizenship batay sa datos ng Ministry of Educationa, University and Research (MIUR).

Roma – Oktubre 24, 2014 – Tinatayang aabot sa 21,000 ang mga kabataang walang italian citizenship ang mga ipinanganak sa Italya at inaasahang magtatapos ng 1st educational stage o I ciclo scolastico matapos ang Junior High School exams sa darating na Hunyo 2015. Sa Hunyo 2016 ay mas mataas ang bilang at tinatayang aabot sa 26,000.

Kasabay ng kanilang Junior High School diploma ay maaaring mag-uwi rin ng italian citizenship ang mga kabataang ito kung maisasakatuparan ang reporma na mainit na tema ng politika sa kasalukuyan. Ito ang panuntunan na tila magiging daan ng isang kasunduan sa pagitan ng mga partido na magbibigay posibilidad sa pagiging ganap na italyano matapos ang isang kumpletong educational stage.

Ang Ministry of Education, University at Research ay nagpalabas ng unang datos batay sa bilang ng mga anak ng migrante sa mga paaarlan sa bansa, bago ang paglabas ng mas malawak at mas kumpletong report sa mga susunod na araw. Sa kasisimula pa lamang na school year, tinatayang aabot sa 442.348 ang mga nakatalang mag-aaral na hindi italian citizen sa 1st educational stage o Scuola Media at 182.519 naman ang mga nakatala sa 2nd educational stage o Scuola Supriore.

1st at 2nd educational stage

Kung ikukumpara ang mga datos sa school year 2013/2014 ay 453.013 ang mga nakatala sa 1st educational stage at 182.181 naman ang sa 2nd educational stage na hindi mga italian citizen at may kabuuang 635.194 mag-aaral, katumbas ng 6,2% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa 1st stage at 2,5% naman sa 2nd stage.

Ang datos ay patuloy ang pagtaas: noong 2010/2011, apat na taon na ang nakakaraan, ang mga anak ng migrante na nakatala sa 1st stage ay 412.212 (5.7% ng kabuuang bilang g mag mag-aaral) at 153.423 naman sa 2nd stage (o ang 2.1% ng kabuuang bilang), at may total na 565.635 mag-aaral.

Mga ipinanganak sa Italya

Samantala, pataas naman ang bilang ng mga ipinanganak sa Italya. Sa school year 2013/2014 ang mga pumasok sa 1st stage ay 246.653 ang mga mag-aaral na hindi Italian citizen na ipinanganak sa Italya habang 27.790 naman ang sa 2nd stage. Ang mga ipinanganak sa Italya ay tinatayang 38.8% ng kabuuang bilang ng mga anak ng migrante na nakatala sa 1st stage, 4.4% naman sa 2nd stage. Samantala, 30.5% sa 1st stage at 2.4% naman sa 2nd stage apat na taon ang nakakalipas.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filipino Food Fair handog ng Umangat Migrante

Bagong bonus bebè nakalaan rin sa mga imigrante