Sa kabila ng positibong sagot ni Vicepremier Di Maio, ay ilang araw ding naging mainit ang mga talakayan ukol sa pagbibigay ba o hindi ng Italian citizenship kay Ramy Shehata, ang binatilyong bayani na sumagip sa mga kabataang hinostage ng driver na si Ousseynou Sy.
Ngunit sa wakas ay nagbigay na ng ‘go signal’ si Interior Minister Matteo Salvini ukol dito.
“Para ko ng anak si Ramy”, aniya kasabay ng anunsyo ng pagbibigay ng italian citizenship sa mga binatilyong Ramy at Adam dahil sa pagiging matapang nito sa matinding oras ng panganib.
“Ipinakita ni Ramy ang pagbibigay halaga sa bansang ito. Para sa kanyang katapangan, ay lalampasan natin ang batas”, ayon pa kay Salvini.
“Hindi ko na inaasahan ang magandang balitang ito, pero ako ay masayang-masaya. Ito ang pinaka masayang araw sa buhay ko”, ayon kay Ramy na kasama ang apat pang mga kabataan ng Vailati di Crema Scuola Media na nagpakita rin ng tapang. Si Adam, ang kaibigan ni Ramy na bibigyan din ng Italian citizenship; Aurora, isa sa mga hostage; Fabio, na nakipag-usap sa teroristang si Ousseynou Sy; Nicolo na nag-volutered nag awing hostage at kasama din ang 12 Carabinieri sa kanilang pagbisita sa Viminale ngayong araw.
“Kinailangan ang lang araw upang suriin ang proseso sa pagbibigay ng Italian citizenship ng hindi gagawa ng anumang pagbabago sa kasalukuyang batas”, dagdag pa ni Salvini.
Gayunpaman, tanging si Ramy at si Adam lamang ang naging Italian citizen, at hindi kasama ang kanilang mga kapatid at pamilya.