Ayon sa batas, ang mga ipinanganak sa Italya na dayuhan ang mga magulang ay hindi awtomatikong Italian citizen bagkus ay nananatili ang citizenship ng mga magulang hanggang sa pagsapit ng 18 taong gulang.
Ang mga dayuhang ipinanganak sa Italya ay may karapatang magkaroon ng italian citizenship kung matutugunan ang mga sumusunod na requirements:
- Ipinanganak sa Italya,
- Tuluy-tuloy na pagiging residente sa bansa ng 18 taon sa Italya (art. 4 com. 2 L.91/92),
- Gagawin ang Dichiarazione della volontà para magkaroon ng italian citizenship, isang taon makalipas ang pagsapit ng 18 anyos.
Kinikilala ng batas sa Italya ang karapatan sa citizenship sa mga ipinanganak sa Italya na mapapatunayan ang pagkakaroon ng tuluy-tuloy na residenza hanggang sa pagsapit ng 18 anyos.
Ang requirement ng tuluy-tuloy na paninirahan sa Italya hanggang sa pagsapit ng ika-18 taong gulang, ay maaaring patunayan sa pamamagitan ng:
- Sa pamamagitan ng sertipiko ng pagpapatala (certificato di iscrizione anagrafica),
- Sa pamamagitan ng iba pang angkop na tulad ng mga medical certitifactes, school certificate, mandatory vaccination certificate.
Sa katunayan tinukoy sa Circular ng Ministry of Interior n. 22/07 noong November 7, 2007, na ang aplikante ay hindi mananagot sa anumang pagkaantala ng mga magulang sa pagpapatala ng kanilang mga anak, at anumang pagkakaantala sa pagpapatala (iscrizione anagrafica) ay hindi maaaring maging dahilan ng pagtanggi sa aplikasyon ng italian citizenship.
Ayon sa artikulo 4, talata 2 ng batas sa Pagkamamamayan bilang 91/92: “ang dayuhan na ipinanganak sa Italya na regular at tuluy-tuloy na residente hanggang sa pagsapit ng ika-18 taong gulang, ay nagiging mamamayang italyano kung ide-ideklara ang pagnanais na maging mamamayang italyano sa loob ng isang taon”.
Ayon sa talata 2 artikulo 33 ng Batas 98 ng Agosto 9, 2013, ay nasasaad ang obligasyon ng Civil Officer ng Comune ang magpadala ng komunikasyon sa dayuhan anim na buwan bago sumapit ang ika-18 anyos sa address kung saan residente ang dayuhan. Dito ay nasasaad ang mga impormasyon ukol sa karapatang maging naturalized italian citizen sa pamamagitan ng Dichiarazione di volontà na kailangang gawin sa Civil Officer bago sumapit ang ika-19 na taong gulang.
Mga Dokumentong kinakailangan:
- Resibo ng pagbabayad ng halagang €250,00 sa account number 809020 sa Ministero dell’Interno DLCI-Cittadinanza,
- Balidong pasaporte,
- Kopya ng orihinal na birth certificate,
- Permesso di soggiorno. Sa kasong may patlang ang panahon ng pananatili sa permit to stay, ang aplikante ay maaaring maglahad ng mga dokumento na magpapatunay ng tuluy-tuloy na paninirahan sa Italya (hal: school certificates, medical certificates at iba pa)
- Historical residence certificate. Sa kaso ng late registration ng isang menor de edad sa Munisipyo ay kailangang ipakita ang dokumentasyon na magpapatunay sa pananatili ng menor sa Italya bago pa man ang pagpaparehistro. (hal: medical certificates)
- Mga dokumentasyon (pagella) at/o deklarasyon (dichiarazione di frequenza) mula sa mga pinasukang paaralan mula kindergarten hanggang Liceo.
- Bakuna o libretto di vaccinazione
Ang mga nabanggit ay dapat na isumite sa Ufficio di Stato Civile ng Comune kung saan residente.
Kung matutugunan ang mga kundisyon:
- Ipagkakaloob ang dekreto na magpapatunay ng pagkakaroon ng Italian citizenship;
- Ilalagay ito sa birth certificate o irerehistro ang birth certificate,
- Ito ay ita-transcribe sa Archivio ng Civil status,
- Gagawin ang komunikasyon mula sa Comune kung saan residente, sa Ministry of Interior, Ufficio Anagrafe, Prefettura, Questura, Ministero degli Affari Esteri, Casellario giudiziale, at Consulate o Embassy para sa unang citizenship.
Kung ang aplikasyon ay tanggihan, ito ay kailangang ipagbigay-alam sa aplikante. Kung negatibo ang resulta ng aplikasyon kung saan nasusulat ang kakulangan ng mga requirement para magkaroon ng italian citizenship ay maaaring mag-apela sa Tribunale ordinario, dahil ito ay isang tunay na karapatan.
(ni: Avv. Federica Merlo para sa Stranieriinitalia.it)
Kailangan mo ba ng legal advice ukol sa aplikasyon sa Italian Citizenship? I-click lamang ang link, para sa isang free legal advice mula sa eksperto ng MIGREAT: https://migreat.com