in

Italian National Committee for Biosafety, sang-ayon sa pagiging mandatory ng bakuna

Bagaman ang pagiging mandatory ng bakuna kontra Covid19 ay hindi pa tinatalakay sa Italya ay may matibay na sanggunian at batayan na, sakaling ito ay isaalang-alang ng gobyerno. 

Ang Italian National Committee for Biosafety, Biotechnology and Life Sciences, sa katunayan, ay naglabas ng opinyon ngayong araw. Ang mga miyembro nito ay nagpahayag ng “pagsang-ayon at umaasa sa pagiging mandatory ng bakuna laban sa Sars-Cov2“. 

Ang dokumento ng Komite, na nagsisilbing tagapayo ng Pangulo ng Konseho, ay hindi tumutukoy sa buong populasyon, bagkus ay “sa mga nagsasagawa ng mga public functions at sa mga gawain na naglalagay sa worker sa direct at continuous contact sa ibang tao“.  Gayunpaman, hindi kasama ang sinumang malalagay ang kalusugan sa peligro matapos mabakunahan.

Kaugnay nito, ang pagiging mandatory ng bakuna sa buong populasyon ay tila hindi na kakailanganin pa kung magpapatuloy ang kasalukuyang ritmo ng pagbabakuna sa bansa. Sa katunayan, ayon kay Emergency Commissioner Francesco Figliuolo, aabot sa 80% ng populasyon over12 ang mababakunahan hanggang bago magtapos ang Setyembre. 

Ang ating hangaring inanunsyo noong nakaraang Marso na mabakunahan ang 80% ng populasyon over 12, ay matutupad bago magtapos ang Setyembre”

Ito ang binitawang salita ni Emergency Commissioner Francesco Figliuolo ngayong araw.

Mula sa simula ng vaccination campaign ay umabot na sa 75,622,961 ang bilang ng mga doses. Ito ay nangangahulugan na umabot na 72.3% o 39M katao na ang mga nakatanggap ng kahit isang dose ng bakuna. Ang immunity ay tataas sa 77% kung isasama ang mga gumaling sa Covid19 at mayroong natural antibodies. 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 4]

Malapit na ang expiration ng permesso di soggiorno? Ang paalala mula sa Ministry of Labor

Green Pass, ang bagong regulasyon sa transportasyon simula Sept. 1