Ang Italy ang nangunguna sa world ranking ng most powerful passport. Ito ay ayon sa Global Passport Ranking 2024 ng report ng British consultancy firm na Henley&Partners na gumagawa ng ranking ng mga pasaporte na nagpapahintulot sa pagbibiyahe sa pinakamaraming bilang ng mga visa-free countries. Ang reference database ay eksklusibong datos ng International Air Transport Association (Iata).
Ang Italy kasama ang mga bansang France, Japan, Germany, Spain at Singapore ay may 194 visa-free destinations (sa kabuuang 227 countries). Samakatid, hindi nangangailangan ng visa. Sa ranking noong nakaraang taon, ang Italya ay nasa ika-4 na posto, kasama ang Luxembourg at Finland, na mayroon “lamang” na 189 countries na mapupuntahan nang walang anumang visa.
Sumunod ang South Korea, Finland at Sweden, na may 193 visa-free countries. Pagkatapos ay ang Austria, Denmark, Ireland at Netherlands, 192 countries.
Ang Norway, Portugal at United Kingdom ay nananatiling wala sa top 3 countries.
Samantala, bumaba naman ang Russia sa ika–51 puwesto na may 119 countries.
Ang China, ay tumaas sa ika-62 na posisyon, at may visa-free sa 85 na mga bansa.
Ang Pilipinas ay nasa ika-73 at kasalukuyang may 69 visa-free destinations. Matatandaang noong nakaraang taon ay ang Pilipinas ay nasa ika-78 ng ranking.
Nasa ibaba ng listahan ang Yemen (35), Pakistan (34), Iraq (31) at Syria (29). Ang ranking ay nagtatapos sa Afghanistan na mga 28 visa-free countires.