in

Italya at Congo, pinirmahan ang kasunduan para sa gas supply  

Positibo ang misyon nina Ministro Di Maio at Ministro Cingolani sa Angola na layuning makahanap ng alternatibong pagmumulan ng supply ng gas sa Italya. Ito ay upang tuluyang wakasan na ang supply ng enerhiya mula sa Russia. Dapat sana ay kasama din si Prime Minister Mario Draghi, ngunit kinailangang kanselahin ang biyahe dahil nag-positibo ito sa Covid-19.

Pinirmahan ng Italya at Republika ng Congo ang isang kasunduan na layuning madagdagan ang suplay ng gas sa Italya. Sina Foreign Minister Di Maio at Ecological Transition Minister Roberto Cingolani, kasama si ENI Chief Executive Officer Claudio Descalzi ay nakipagpulong kay Congolese Minister for Foreign Affairs, Francophonie at Minister of Congolese Abroad Jean-Claude Gakosso at pagkatapos ay pinirmahan ang Declaration of Intent kasama ang Congolese Minister for Hydrocarbons Bruno Jean Richard Itoua. Kasunod nito ay pinirmahan ang kasunduan sa enerhiya ni Descalzi at ng ministro mismo. 

Partikular, nasaad sa kasunduan ang pagpapabilis at pagpapataas ng produksyon ng gas sa Congo, unang-una sa pamamagitan ng isang liquefied natural gas (LNG) project na inaasahang magsisimula sa 2023 at kapasidad na higit sa 3 milyon tonelada bawat taon (higit sa 4.5 bilyong metro kubiko / taon) Ang pag-export ng LNG ay magpapahintulot na bigyang halaga ang produksyon ng gas na higit sa pangangailangan ng Congo, ayon sa Eni.

Ang kasunduan sa pagitan ng Italya at Angola, na nilagdaan noong Miyerkules, ay magpapahintulot din sa mga bagong aktibidad sa natural gas na naglalayong din pataasin ang export nito sa Italya, at magsagawa ng joing project para sa decarbonization. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 4]

Reseta ng gamot kontra Covid, ibibigay na ng mga medico di base 

Lettera d’invito per turismo, ano ito?