in

Italya, bumagal ang naturalization ng mga imigrante

Padami ng padami ang mga dayuhang nagiging EU passport owners. Samantala, naitala naman sa Italya ang pagbagal ng naturalization ng mga dayuhan o ang pagiging Italian citizen ng mga dayuhan. Ito ay ayon sa ulat ng Eurostat.

Noong 2021, naitala ang 827,000 imigrante na naging EU citizen. Naitala ang pagtaas ng 14% (98,300) kumpara sa taong 2020. 

Ang pinakamataas na bilang ng naturalization ay naitala sa France (pagtaas ng humigit-kumulang na 43,900 ang naging citizen kumpara noong 2020), Germany (+18,800), Spain (+17,700), Sweden (+9,200) at Austria (+7,200). 

Samantala, naitala naman ang pagbaba ng naturalization sa Italya (mas mababa ng 10,300 kumpara noong 2020), Portugal (-7,600), Greece (-3,200), Finland (-1,200) at Cyprus (-800). Gayunpaman, sa pagsusuri sa mga datos na ibinigay ng European Statistical Office, ay dapat isaalang-alang na ang EU ay nasa gitna ng pandemya noong 2021, at may malaking epekto sa pagproseso ng mga aplikasyon ng naturalization.

Ang 85% ng naturalization ay dating mga mamamayan ng non-EU countries o mga stateless. Samantala, kumakatawan naman sa 13%ng mga EU nationals na naturalized sa ibang Member State.

Ang mga bagong Europeans ay ang mga dating: 

  • Moroccans – ang pinaka maraming bilang 86,200 katao o 71% ang naging Spanish o French citizens;
  • Sirian – 83,500 o 70% ang naging Swedish o Dutch citizens; 
  • Albanians – 32,300 o 70%  ang naging Italian citizens;
  • Romanians – 28,600 o 33% ang naging Italian citizens;
  • Turks – 25,700 o 48% ang naging erman citizens;
  • Brazilian – 20,400 o 65% ang Portuguese o Italian citizens;
  • Algerians – 19,300, o  80% naging French citizens;
  • Ukrainians – 18,200 o  37% naging Polish at Italian citizens;
  • Russians – 17,300 o 45% naging German at French citizens;
  • Pakistanis 16,600 o 62% naging Spanish at Italian citizens. 

Ang mga Romanians (28,600 katao), mga Polish (12,500) at mga Italians (10,100) ay ang tatlong pinakamalaking bilang ng mga EU citizens na naging citizen ng ibang Member States.

Noong 2021, ang Sweden ang may pinakamataas na rate ng naturalization sa EU. Ang naitalang rate sa Sweden ay 10 citizenship na ipinagkaloob sa bawat 100 dayuhang residente. Sinundan ito ng Netherlands (5.4), Romania (4.6), Portugal (3.7) at Belgium at Spain (parehong 2.7). Sa kabilang banda, ang rate ng naturalization na mas mababa sa bawat 100 residenteng dayuhan ay naitala sa Lithuania (0.2), Latvia (0.3), Estonia (0.5) at Czech Republic , Croatia at Slovakia (lahat ng 0.7) .

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Assegno Unico 2023, ang updated Table mula sa INPS 

Turismo sa Italya, record ngayong taon!