in

Italya, ika-pito sa listahan ng WHO sa bilang ng mga kaso ng Covid19

Italya WHO Covid19 Ako Ay Pilipino

Ika-pitong bansa ang Italya sa listahan ng WHO sa bilang ng mga kaso ng Covid19.

Hanggang ngayong araw, Jan. 21, 2021 ay naitala ang bilang 95,321,880 ng mga kaso ng Covid19 sa buong mundo, ayon sa WHO

Samantala, 2,058,227 naman ang bilang ng mga naging biktima nito mula sa simula ng pandemya. 

Narito ang listahan ng mga bansa batay sa bilang na naitala ng WHO

  1. USA – 24,037,236
  2. India – 10,610,883
  3. Brazil – 8,573,864
  4. Russia – 3,633,952
  5. UK – 3,466,853
  6. France – 2,890,012
  7. Italy – 2,400,598
  8. Spain – 2,370,742
  9. Germany – 2,068,002
  10. Colombia – 1,939,071

Samantala, kung kontinente naman ang pag-uusapan ay nangunguna ang Amerika na nagtala ng 42 milyong mga kaso ng covid19. Sinusundan naman ng Europa na may 31 milyong katao na nahawahan ng covid19 at ang South East Asia na may 12.5 milyon

Samantala, higit lamang sa 10 bansa, ayon pa WHO, ang walang naitalang kso ng Covid19. Karamihan pa ay mga bansang hindi kilala:

  1. Turkmenistan, 
  2. Tonga, 
  3. Tokelau, 
  4. Saint Helena, 
  5. Pitcairn Islands, 
  6. Palau, 
  7. Niue,
  8. Nauru, 
  9. Kiribati, 
  10. Democratic People’s Republic of Korea, 
  11. Cook Islands.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako Ay Pilipino

Ilang uri ng mask, hindi epektibo sa bagong variant ng Covid19

angkop na tirahan para sa ricongiungimento familiare Ako Ay Pilipino

Ano ang angkop na tirahan para sa ricongiungimento familiare?