Inaprubahan ng gobyerno ng Italya kamakailan ang apat na decrees na nagre-regulate sa paggamit ng apat na magkakaibang harina na nagmula sa mga insekto matapos aprubahan ng European Union ang pagbebenta ng mga ito para sa human consumption.
Sakop ng nasabing mga decrees ang mga powder na gawa sa mga insekto tulad ng crickets, migratory locusts, mealworm at larva.
Gayunpaman, ang mga decrees ay nagbabawal sa paggamit ng mga harina ng insektong nabanggit sa ilang mga pagkain. Bukod dito, obligado ang mga producer na gawing malinaw sa mga etiketa kapag naglalaman ang mga ito ng harina na gawa ng insekto.
Sinigurado naman ni Italian Health Minister Orazio Schillaci, sa tulong ng NAS health police ang pagbabantay ng gobyerno upang tamang maipatupad ang mga regulasyon partikular ang pagbabawal sa paggamit ng mga harina ng insekto sa mga tipikal na Mediterranean food, tulad ng pizza at pasta, at ang pagla-label ng mga produkto na naglalaman ng mga ito.