Kasama ang Italya sa dalawampung bansa na may travel ban sa Pilipinas simula December 30 hanggang January 15.
Papatawan ng travel restriction ang mga bansa na inulat na may kaso ng bagong variant ng Covid19. Ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.
Basahin din:
- Bagong variant ng Covid19, mas madaling mahawa ang mga kabataan at bata
- Bagong variant ng coronavirus, nadiskubre din sa Italya
Sa inilabas na Advisory ng Bureau of Immigration ang 20 bansang pinagbabawalang makapasok ng Pilipinas ay ang mga sumusunod:
- Italy,
- United Kingdom
- Sweden,
- Denmark,
- Ireland,
- Japan,
- Australia,
- Netherlands,
- Israel,
- France,
- Hongkong,
- Switzerland,
- Germany,
- Singapore,
- Iceland,
- South Africa,
- South Korea,
- Lebanon,
- Canada,
- Spain
Gayunpaman, exempted sa travel ban ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na magmumula sa 20 bansa. Ngunit kinakailangang dumaan sa 14-day quarantine kahit pa mag-negatibo ang result ng kanilang RT-PCR test pagdating sa Pilipinas.
Samantala, may pahintulot naman ang mga aalis ng Pilipinas at pupunta sa mga nabanggit na bansa. Kailangan lamang sumunod sa exit protocols ng Pilipinas at entry protocols ng pupuntahang bansa.
Lahat ng Balikbayan na hindi OFWs ay hindi saklaw ng exemption na ipinatutupad ng Inter Agency Task Force (IATF).