Inaprubahan ng gobyerno ng Russian Federation ang isang black list kung saan nakasulat ang lahat ng mga bansa na nagpataw ng sanctions sa Russia dahil sa nagaganap na pananakop nito sa Ukraine.
Inaprubahan ng Russia ang listahan ng mga ‘hostile countries‘. Ito ay ang black list na ninais ni Putin na kinabibilangan ng lahat ng mga bansa na nagpataw ng mga sanctions o parusa sa Russia o mga bansang sumuporta at naging bahagi ng pagpapatupad nito. Ito ay ayon sa ulat ng Tass, ang nagungunang news agency sa Russia, na nagpalabas din ng listahang inaprubahan sa Moscow.
Kabilang dito ang Italya at lahat ng mga bansa sa EU, kasaman ang United States, Ukraine, United Kingdom, Australia, Iceland, Canada, Liechtenstein, Monaco, New Zealand, Norway, South Korea, San Marino, Singapore, Taiwan, Montenegro, Switzerland at Japan.
“Ang mga bansang ito ay nagkasala dahil sa pagsasagawa ng mga aksyon laban sa Russia”.