in

Italya, lockdown sa panahon ng Kapaskuhan

Decreto Natale Ako ay Pilipino

Kinumpirma ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro Giuseppe Conte na sasailalim sa lockdown ang Italya sa panahon ng Kapaskuhan. Ang bagong paghihigpit ay bilang anti-covid19 preventive measures sa pagdiriwang ng holiday season ngayong taon. 

Nananatiling mahirap ang sitwasyon, kinatatakutan ang biglang pagdami ng mga infected sa panahon ng Kapaskuhan. Nagpahayag din ng matinding pag-aalala para sa mga social gatherings at pagnanais na magdiwang ang CTS”, ayon kay Conte. 

Basahin din:

Lockdown sa Pasko at Bagong Taon

Zona Rossa (o lockdown) sa mga araw ng December 24, 25, 26, 27, 31 at January 1, 2, 3, 5 at 6 

Zona Arancione (semi-lockdown) naman ang mga araw ng December 28, 29, 30 at January 4

lockdown Ako ay Pilipino

ZONA ROSSA

  • May pahintulot lamang sa paglabas ng bahay ang dahilan ng trabaho, kalusugan at mga pangangailangan;
  • Patuloy ang curfew mula 10pm hanggang 5 am;
  • Hanggang 2 katao ay may pahintulot ang bumisita sa miyembro ng pamilya, kamag-anak o kaibigan, (kahit hindi convivente) ng isang beses lamang sa maghapon. Ang mga bata na mas bata sa 14 anyos at may kapansanan ay hindi kasama sa bilang;
  • Sports activity sa outdoor ngunit indibidwal;
  • Physical activities na malapit sa bahay;
  • Sarado ang mga shops, beauty centers, bar at restaurants;
  • May pahintulot ang take out hanggang 10pm;
  • Ang deliveries ay pinahihintulutan;
  • Mananatiling bukas ang mga Supermarket, pharmacies, newspaper stands, tobacco shops, laundry, hairdressers at barber shops;
  • May pahintulot ang pagpunta sa simbahan at ibang lugar ng pagsamba, gamit ang Autocertificazione.

Basahin din:

ZONA ARANCIONE

  • May pahintulot lamang ang paglabas ng bahay o sirkulasyon sa loob ng sariling Comune;
  • Patuloy ang curfew mula 10pm hanggang 5 am;
  • Sarado ang mga bar at restaurants; 
  • May pahintulot ang take out hanggang 10pm;
  • Ang deliveries ay pinahihintulutan;
  • Bukas ang mga shops at mga negosyo hanggang 9pm;

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

730 tax refund Ako Ay Pilipino

730 tax refund, kailan matatanggap sa domestic job?

decreto natale Ako Ay Pilipino

Decreto Natale: Maaari bang magpunta ng simbahan sa mga araw na nasa ilalim ng zona rossa?