Simula May 15, ang Italya ay muling magbubukas sa mga dayuhang turista mula sa Europa. Sa pamamagitan ng certificato verde o green pass ay maaaring makapasok ang mga turista ng ligtas sa Italya. Ito ay habang hinihintay ang european green pass sa Hunyo. Tatanggalin na din ang mandatory quarantine sa mga turistang galing sa ibang bansa.
Ang Italya ay handa na sa muling pagtanggap sa mga turista matapos ang pagsasara ng higit sa isang taon dahil sa pandemya”.
Ito ang anunsyo ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro Mario Draghi.
Ito ay sa pamamagitan ng green pass ng Italya na nasasaad sa decreto Riaperture, na ilulunsad bago pa man sa european green pass na magsisimula sa buwan ng Hunyo.
Ano ang green pass na gagamitin ng mga dayuhan simula May 15?
Ang green pass na gagamitin ng dayuhang turista sa pagpasok sa Italya ay ang parehong green pass na gagamitin sa pagbibiyahe sa loob ng bansa, pagpunta sa iba’t ibang mga rehiyon. Samakatwid, ito ay tumutukoy sa sertipiko ng pagkakaroon ng dalawang doses ng bakuna kontra Covid19, o sertipiko kung saan nasasaad ang paggaling sa Covid19 ng hindi lalampas sa anim na buwan, o resulta ng negatibong swab test sa huling 48 oras. Ang unang dalawang nabanggit ay dapat na mula sa local health authority at ang huli naman ay mula sa laboratoryo na gumawa ng analisi.
Mandatory quarantine, tatanggalin na
Sa pagkakaroon ng pass na nabanggit ay tatanggalin na ang mandatory quarantine ng mga manggagaling sa Europa, USA, UK at Israel, kung saan malawak na ang vaccination campaign. Samantala, nananatili naman ang restriksyon para sa ibang mga bansa na itinuturing pa rin na moderate-high risk. Gayunpaman, ang detalye ay malalaman sa susunod na ordinansa ni Health Minister Speranza, na papalit sa dekreto na mapapaso sa May 15. Hanggang sa petsang nabanggit ay ipatutupad ang kasalukuyang odinansa, PCR test bagong dumating sa Italya, mandatroy quarantine ng 5 araw ang mga galing sa Europa at UK at 10 araw naman para sa mga galing sa Pilipinas pagkatapos ng quarantine ay panibangong PRC test ulit. (PGA)
Basahin din:
- Babalik sa Italya mula sa Pilipinas? Narito ang dapat gawin.
- Italian green pass, ilulunsad sa kalahatian ng Mayo
- Decreto Riaperture, aprubado