Matapos ianunsyo na suspendido ang mga biyahe, direct at indirect flights mula Bangladesh kamakailan, ipinagbabawal na rin ang pagpasok sa Italya ng mga pasahero mula sa 13 bansa o mga pasahero na nagkaroon ng stop-over sa mga ito sa huling 14 na araw. Maging ang mga biyahe papunta sa mga bansang ito ay suspendido sa kasalukuyan.
Desisyon ni Health Minister Roberto Speranza na pansamantalang isuspinde ang mga direct at indirect flights, mula at para sa 13 bansa dahil sa banta ng Covid19.
Ito ay ang mga bansang: Armenia, Bahrain, Bangladesh, Brazil, Bosnia and Herzegovina, Chile, Kuwait, North Macedonia, Moldova, Oman, Panama, Peru, Dominican Republic.
Muling nagtala ng pagtaas sa bilang ng mga bagong positibo sa coronavirus sa bansa at ang Italya ay nagsasara ng mga frontier sa karagdagang 12 bansa na maituturing na high risk kung saan ang pandemya ay higit na nararamdaman sa kasalukuyan. (PGA)