Nangungunang bansa ang Italya sa buong Europa sa fraud o pandaraya. Ito ay ayon kay European Public Prosecutor’s Office (EPPO) sa ginawang Annual report noong Miyerkules.
Ang Italya ay ang may pinakamataas na halaga ng estimated financial damage bilang resulta ng pandaraya o paglulustay, ayon sa report ng EPPO. Ayon pa sa report, humigit kumulang na 3.2 billion euros ang kabuuang halagang involved sa Italya at may 285 active investigations. Sa nabanggit, 2.7 billion ay mula sa IVA fraud.
Ang EPPO ay nagtala ng isang bagong record sa bilang ng mga natanggap na reklamo, 354 complaints, kung saan 330 sa mga ito ay nagmula sa mga national authorities.
Para sa buong report ng European Public Prosecutor’s Office (EPPO), narito ang link.