Mga bagong datas mula sa Eurostat: noong nakaraang taon ay ipinadala ang 6,165 billion sa labas ng Europa.
Bruxelles, Dec 12, 2012 – Ang Italya ay ang nangungunang bansa sa EU kung laki ng remittances ng mga imigrante sa labas ng Europa ang pag-uusapan.
Ito ang inihayag ng Eurostat, na nagsabing noong nakaraang taon, ang mga imigrante buhat sa lahat ng bansa ng EU ay nagpadala sa kanilang sariling bansa ng halos 40 billion euros, isang pagtaas ng 2.4% kumpara noong 2009.
Ayon sa Eurostat, noong nakaraang taon ay ipinadala ang 6.165 billion euros sa mga non-EU countries (ang 83% ng kabuuan) ng mga imigrante buhat sa Italya kumpara sa 6.153 billion euros na lumabas buhat sa France (ang 63% ng kabuuan). Ang perang ipinadala ng mga imigrante buhat sa Italya sa loob at labas ng Europa ay umabot sa 7.4 billion euros, o ang 19% ng kabuuang remittance mula sa EU, pagkatapos ng France (9.7 billion o ang halos 25% ng kabuuan ng 27 bansa) at bago ang Spain (7.3 billion o ang 19%), Germany (3 billion o ang 8%) at Holland (1.5billion o ang 4%).
Buhat sa 40 billion euros na ipinadala sa mga sariling bansa ng mga imigrante, ang 10.7 billion euros ay EU countries ang destinasyon at 28.5 billion naman ay sa labas ng EU countries ang destinasyon. Sa pagitan ng 2010 at 2011 ang France ay nagtala ng pagbaba ng remittances (mula sa 9.812 billion sa 9.661 billion), tulad ng Germany (mula sa 3.035 billion euros sa 2.977 billion euros) habang ang Italya (mula sa 6.572 billion euros sa 7.394 billion) Spain (mula sa 7.198 billion euros sa 7.268 billion) at Holland (mula sa 1.492 billion sa 1.531 billion euros).