Noong 2016 mayroong higit sa 200,000 ang mga aplikante sa Italya. Nangunguna naman sa pagkakaroon ng citizenship sa Europa ay ang Moroccans, Albanians at Indians.
Taong 2016, ay ang taon ng boom sa imigrasyon, kung kailan ang Italya ay naitala bilang nangungunang bansa sa Europa sa pagbibigay ng citizenship sa mga dayuhan na may sapat na requirements at samakatwid karapatan mag-aplay nito.
Naitala ang 201,591 (mas mataas ng 13% kumpara noong 2015), karamihan ay mga Albanians (18.3%), Moroccans (17.5%), Romanians (6.4%). Sinundan ng mga Bengalis, Senegalese at Ghanaian.
Taong 2016, 995,000 mga katao ang nagkaroon ng bagong citizenship sa isa sa mga bansa ng Europa. 12% lamang ng datos na nabanggit ang nagmula sa ibang member state, partikular ang Romanians (29,700) at Polish (19,800).
Nangunguna sa pagkakaroon ng citizenship sa Europa ay ang Moroccans (101,300, kung saan 89% sa Espanya, Italya o Pransya); Albanians (67,500, kung saan 97% sa Italya o Gresya); Indians (41,700, halos 60% sa Great Britain). (ANSA).