in

Italya, patuloy ang pagtanda ng populasyon

Kinukumpirma ng mga datos ng 2021 ng ISTAT ang patuloy na trend ng pagtanda ng populasyon sa buong Italya. 

Ayon sa Istat, ang pagtanda ng populasyon sa bansa ay nagiging kritikal na sitwasyon. Ang old age index sa mga pangunahing lungsod ay umabot sa 177.5 na matatanda sa bawat 100 na mga bata noong 2021. Ito ay patuloy na tumataas sa paglipas ng mga taon. Matatandaang noong 2011, ang old age index ay 142.4. Bagaman ang datos ay mas mababa kaysa sa national average (187.6), ito ay nagpapatunay sa progresibong pagtanda ng populasyon. 

Ang proseso ng pagtanda ay makikita rin sa average age na edad na 45.7 noong 2021 sa mga metropolitan cities, ngunit mas mababa sa national average age na 46,2.

Populasyon sa Italya 

Ang Roma ay ang pinakamataong lungsod sa Italya kung saan may 4,2 milyong mga residente. Sinundan ng Milano na may 3,2 milyon. Samantala, ang Cagliari, ang may pinaka kakaunting bilang ng mga residente sa bansa, 421,000

Gayunpaman, kung density ng populasyon ang pag-uusapan, ang Naples ang nangunguna sa listahan kung saan may 2,535 residente bawat kilometro kuwadrado, habang ang Messina ay may pinakamababa na may 185 residente bawat kilometro kuwadrado.

Ang mga capoluoghi o capitals na higit na lumaki ang populasyon sa pagitan ng 2001 at 2021 ay ang Roma (8%) at Milan (7.7%). Samantala ang mga capoluoghi o capitals naman na nagtala ng pinakamalaking pagbaba sa populasyon ay Messina ( – 12.2%) at Cagliari (-8.9%)

Noong 2020, ang Naples ang lungsod na may pinakamataas na mortality. Sa unang taon ng pandemya ng Covid-19, ang metropolitan city na may pinakamataas na bilang ng mga namatay ay ang Naples, na nagtala ng 1,080 deaths sa bawat 100,000 na residente. Noong 2020, ang mga metropolitan cities sa North Italy ay nakaranas din ng mga pambihirang antas ng mortality, una sa lahat ang metropolitan city ng Genova na nagtala ng 1,009 deaths sa bawat 100,000 na residente, na sinundan ng Turin na nagtala ng 1,002 deaths sa bawat 100,000 residente. Ang mga nabanggit na datos ay mas mataas kaysa sa average figure sa Palermo, Catania at Milan.

Pinakamalawak lungsod sa Italya

Kung surface area ang pag-uusapan, ang Turin ay ang pinakamalawak na lungsod sa Italya, na may 6,827 square kilometers, habang ang pinakamaliit ay ang Naples, na may 1,179 square kilometers. Ayon pa sa datos ng Istat, mayroong 14 na metropolitan cities sa Italya na may 1,268 na munisipalidad o Comune (ang 16% ng mga munisipalidad ng Italya): higit sa kalahati ng mga ito ay mas mababa sa 5,000 na mga residente, ang ikatlong bahagi naman ay nasa 20,000, ang 11% mula 20,000 hanggang 50,000 residente at ang 3,5% ay may higit sa 50,000 residente. 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 4]

Kabilang ba ang mga colf at caregivers sa Decreto Flussi 2023? 

Suporta ng European Union sa Ukraine, umabot na sa € 50 billion